• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

House-to-house vaccination ng pamahalaan, tuloy pa rin pero para lamang sa mga bedridden -Usec. Malaya

TULUY-TULOY pa rin ang house-to-house vaccination ng pamahalaan subalit para lamang sa mga bedridden.

 

Sinabi ni DILG Usec. Jonathan Malaya sa Laging Handa public briefing na ang lahat ng Local Government Units (LGUS) sa Kalakhang Maynila at karatig-lugar ay gumagawa ng house-to-house vaccination.

 

“Para lamang po iyan sa mga bedridden na hindi makalabas ng kanilang bahay. Ngunit hindi naman po natin puwedeng gawing massive ‘yan dahil hindi naman ganoon karami ang ating mga vaccinators at malaki ang manpower na kakailanganin natin. Iyong pag-transport na lamang ng mga bakuna. Isipin natin kung Pfizer ang ating ibabakuna … have to keep the temperature at hindi kailangan na nagagalaw ‘yan na lamang. This is a logistical issue na unfortunately hindi natin makakaya ang house to house,” ani Usec. Malaya.

 

Magkagayon man ay mayroon namang ginawang interventions ang DILG lalo pa’t nagsimula na ang lockdown ngayong araw at ito ay nagbigay sila ng instructions sa kapulisan na kailangan lamang na padaanin sa check points ay iyong may mga QR code, may mga schedule ng pagbabakuna maging ito man ay email o text.

 

Mangyaring ipakita lamang ito sa kapulisan para makadaan sa lugar na may checkpoints.

 

Ito ang pipigil sa pagdagsa ng mga tao na walang iskedyul sa mga vaccination centers.

 

Samantala, gustong malaman ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang puno’t dulo ng tila pananabotahe sa vaccination program ng pamahalaan na paiigtingin ngayong 2 linggo ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region.

 

Dumagsa kasi kahapon sa mga malls at vaccination centers sa Maynila, Las PInas, Antipolo ang mga taong nais na magpabakuna matapos na maalarma sa kumalat na fake news na “no vaccine, no ayuda”.

 

“Nakapagtataka lang na kung medyo nakita natin na may nagpakalat talaga nitong na ikinonekta ang ayuda sa vaccination. Wala naman pong ganyan eversince? Na kesyo matitigil ang vaccination dito sa Maynila at kailangang bilisan nilang magbakuna. So, and then, mayroon pang reports na may mga bus na nakasakay iyong mga magpapabakuna at dinala sa iba’t ibang bakuna centers. So, itong mga ganito as the DILG … hindi  namin puwedeng ibalewala? We will have to get to the bottom of this and I hope.. iyon nga po.. ma-dispel ito? But just in case na mayroong ganito ngang reports. This must be thoroughly investigated,” anito.

 

At gaya aniya ng kanyang sinabi ay nagsanib puwersa na ang NBI, PNP at National Task Force (NTC) para imbestigahan ang bagay na ito.

Other News
  • No. 5 most wanted person ng NCRPO, timbog sa Malabon

    HIMAS rehas ang isang construction worker na nakatala bilang top 5 most wanted person sa National Capital Region Police Office (NCRPO) dahil sa kasong rape matapos madakma ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.       Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, […]

  • PBBM, BIDEN pinalawak ang security, environment protection, trade ties; pinagtibay ang commitment sa international law

    PINAGTIBAY nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at US President Joseph Biden ang serye ng “partnerships” na naglalayon na palakasin ang alyansa ng Maynila at Washington.  Sa isang joint statement, kapuwa pinuri nina Pangulong Marcos at Biden ang  “remarkable ties of friendship, community, and shared sacrifice that serve as the foundation of the U.S.-Philippines alliance.” […]

  • 28 eskwela sa Metro Manila face-to-face muli simula ika-6 ng Disyembre

    Muling madadagdagan ang listahan ng mga paaralang sasabak sa pilot implementation ng harapang mga klase habang kumakalma ang COVID-19 situation sa Pilipinas — kasama rito ang ilang paaralan mula sa National Capital Region (NCR).     “NCR schools will start on December 6. For the other queries we will give more details during our presscon […]