• July 2, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

80 individuals kinasuhan ng PNP dahil sa pagpapakalat ng fake news ngayong pandemic

Nasa 80 indibidwal ang sinampahan ng kaso ng Philippine National Police (PNP) dahil sa iba’t ibang cybercime cases ngayong panahon ng pandemya.

 

 

Ayon kay PNP Chief Police General Guillermo Eleazar, nasa kabuuang 121 na criminal complaints ang isinampa nila sa ibat ibang korte laban sa 80 indibidwal.

 

 

Kasama sa mga kaso ang pagpapakalat ng fake news sa internet, illegal online sale ng medical supplies, at online scams.

 

 

Base sa data mula March 9, 2021 hanggang August 9, 2021, sinabi ng Criminal Investigation and Detection Group at Anti-Cybercrime Group, na 87 criminal complaints ang naisampa laban 52 tao dahil sa fake news; 3 online scam complaints laban sa 2 tao at 31 criminal complaints laban sa 26 na tao para naman sa online profiteering, overpricing, hoarding at unauthorized selling ng medical supplies.

 

 

Ayon kay Eleazar, bukod sa mahigpit na pagpapatupad ng minimum public health safety standards at quarantine protocols, patuloy ang pagtugis ng PNP sa mga masasamang loob na pinagkakakitaan at nanamantala sa pangamba at takot ng ating mga kababayan sa COVID-19.

 

 

Paliwanag ni Eleazar, ngayong may pandemya, tumaas ang insidente ng mga nagpapakalat ng pekeng balita na nakakabiktima ng mga tao.

 

 

Partikular na isinampa sa kanila ang Unlawful Use of Means of Publication and Unlawful Utterances sa ilalim ng Article 154 ng Revised Penal Code; paglabag sa Republic Act 10175 o Anti-Cybercrime Law; at paglabag sa Presidential Decree No. 90.

 

 

Samantala, nakumpiska naman sa mga unauthorized online sellers ang gallon ng mga disinfectant; vitamin C capsules; forehead thermometers; face masks; at mga bote ng isopropyl alcohol. (Daris Jose)

Other News
  • 3 dalaga nalambat sa P1.1 milyon shabu sa Navotas

    UMABOT sa mahigit P1.1 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa tatlong dalaga na umano’y sangkot sa illegal na droga matapos malambat sa buy bust operation sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang mga naarestong suspek na sina Kyla Marie Legaspi, […]

  • DOH, target ang 80% vaccine coverage sa seniors, persons with comorbidities bago pa mag-shift sa Alert Level 1

    SINABI ni Health Secretary Francisco Duque III na 80% ng mga senior citizens at persons with comorbidities ang dapat na mabakunahan sa isang lugar bago pa ibaba sa Alert Level 1.     “Before ma-deescalate, kailangan 80 percent ng A2 at A3 ay kanilang maabot. Kung hindi makarating sa panukatan na ‘yan ay hindi tayo […]

  • Pinas, pag-aaralan ang COVID-19 vaccination para sa mga kabataang 5 taon pababa

    PAG-AARALAN ng Pilipinas ang posibleng pagbabakuna sa mga kabataan na 5 taon pababa  laban sa  COVID-19.     “Aaralin nang husto. Depends sa studies abroad and if may vaccines although some include below 5 years old. We will see sino may EUA (emergency use authorization) at ano ire-recommend ng HTAC (Health Technology Assessment Council),” ayon […]