• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNP handa sa posibilidad na extension ng ECQ

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na  nakahanda sila sakaling palawigin pa ang  implementasyon ng  enhanced community quarantine sa Metro Manila.

 

 

Ayon kay PNP chief Gen. Guillermo ­Eleazar,  ipinatutupad lamang nila ang  mga rekomendasyon kung ano ang iutos ng national government at health experts.

 

 

Aniya, ang  mga Metro Manila mayors  at opisyal ng  Inter Agency Task Force (IATF) ang may karapatan  na magsabi at magdesisyon kung dapat  ang extension ng ECQ sa NCR .

 

 

Tanging tungkulin ng  pulis ay masiguro na sinusunod ng  mga nasa lansangan ang  minimum public health standards kabilang na ang  pagsusuot ng face mask at face shield.

 

 

Una nang nagpahayag ng  posibilidad ang Department of Health ng extension ng  ECQ sa NCR dahil sa pagtaas ng  bilang ng COVID cases.

 

 

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nanatili ang posibilidad bunsod na rin ng projections subalit kailangan pa ring  pag- usapan ito ng IATF.

 

 

Isinailalim ang  Metro Manila sa ECQ noong Agosto 6  na magtatagal hanggang  Agosto 20 dahil sa banta naman mas nakakahawang ng  Delta variant.

Other News
  • 3 barangay sa Bontoc, isasailalim sa ‘ECQ-like’ lockdown

    Simula alas-12:00 ng hatinggabi ng  January 25, ay isasailalim na sa mala-enhanced community quarantine (ECQ) na lockdown ang tatlong barangay sa Bontoc, Mountain Province.     Ito ang inanunsyo ng lokal na pamahalaan matapos makapagtala ang bayan ng mga kaso ng COVID-19 UK variant.     Sa ilalim ng Executive Order No. 8 na pinirmahan […]

  • Phil. men’s football team nahanay sa mga mabibigat na koponan sa AFC Asian Cup Saudi Arabia Qualifiers

    Mahaharap sa matinding hamon ang Philippine men’s football team para sa AFC Asian Cup Saudi Arabia 2027 Qualfiers sa susunod na taon.       Sa isinagawang draw nitong araw ng Lunes sa AFC House sa Kuala Lumpur, Malaysia ay nahanay ang Pilipinas sa Tajiksitan, Maldives at Timor-Leste para sa third at final round ng […]

  • 2 INDIBIDWAL, BARANGAY OFFICIAL ARESTADO NG NBI

    DALAWANG indibidwal kasama ang isang opisyal ng barangay ang inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa ilegal na pagbebenta ng “iron wood” o “magkuno”.     Kinilala ni NBI Director Eric Distor  ang mga naaresto na sina Clyde Rey Balaan na isang barangay councilor at Elward Lomongan, residente ng Lianga,Surigao del Sur.   […]