Tambalang Go-Duterte sa Eleksyon 2022, wala pa ring kasiguraduhan – Nograles
- Published on August 13, 2021
- by @peoplesbalita
WALA pa ring kasiguraduhan ang tambalang Senador Christopher Lawrence “Bong” Go at Pangulong Rodrigo Duterte para sa 2022 national elections.
Sa isinagawang Pandesal Forum, sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na kapwa may “indefinite decision” sina Go at Pangulong Duterte sa naging panawagan sa kanila na tumakbo sa pagka-pangulo at bilang bise-presidente sa halalan sa susunod na taon.
Aniya, ang ruling party, Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban), ay “still concentrating” kung sino ang kanilag magiging pinal na presidential at vice presidential candidates sa susunod na taon.
“Hanggang ngayon, wala pang definite decision si Pangulo kung tatakbo pa siya and because of that, wala pang definite decision si Senator Bong Go kung tatakbo rin ba siya ,” ani Nograles.
Nauna rito, sina Go at Pangulong Duterte ang magiging standard-bearers ng Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa Eleksyon 2022.
Ito ang sinabi ni PDP-Laban’s Secretary General, Melvin Matibag na ang Go-Duterte tandem ay “logical and popular” choice para sa mga kaalyado ng administrasyon.
Sa isinagawang Balitaan sa Maynila forum, sinabi ni Matibag na may mga indikasyon na bukas si Pangulong Duterte na tumakbo bilang bise-presidente.
“Sana matuloy pagkat kung hindi ,wala kami nakikita na makakatawid ng laban sa 2022 kundi tambalan na Go-Duterte, kaya sana magkaroon ng positibong reaksyon si Pangulo at Sen. Go sa layunin ng PDP-Laban,” anito.
Sa kabilang dako, nakatakdang magdaos ng national convention ang PDP-Laban sa Bulacan sa darating na Setyembre 8.
Ayon kay Matibag, pupunan ng partido ang “full lineup” ng allied candidates kapwa sa national at local levels.
Ani Matibag, sinusubukan din nilang i-reach out ang paksyon nina Senador Aquilino “Koko” Pimentel III at Manny Pacquiao.
“Kung magkakaroon pa ng pagtatalo, ang Comelec ang siyang magreresolba,” dagdag na pahayag nito.
Hindi naman nakikita ni Matibag na magbibigay-daan si Go para kay Pacquiao na napaulat na tatakbo rin sa pagka-pangulo. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Husay sa pag-arte, nasubukan na naman sa ‘Expensive Candy’: JULIA, suportado ng ina na si MARJORIE at mga kapatid sa pagpapa-sexy
MALAPIT na ngang matunghayan ang kaseksihan at alindog ni Julia Barretto sa latest movie ng Viva Films na Expensive Candy Ang karakter na ginagampanan ng tinaguriang “Drama Royalty of the Century” sa kanyang bagong pelikula ang pinaka-daring at sultry dahil ibang-iba ang Julia na masisilayan sa big screen ngayong September 14. […]
-
PBBM, pinagtibay ang ugnayan sa Estados Unidos, itinaon sa pagdiriwang ng Philippine-American friendship day
PINAGTIBAY ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ugnayan ng Pilipinas sa Estados Unidos kasabay ng pagdiriwang Amerika ng kanilang Independence Day. Nagkataon naman ito sa Philippine-American Friendship Day. Sa isang tweet, inilarawan ng Pangulo ang Philippines-US relations bilang “deep connection… built on the foundation of trust and collaboration.” “As […]
-
INDIAN CREW MEMBER, TINULUNGAN NG PCG
KINAKAILANGAN na idi-embark at tulungan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang Indian crew member ng bulk carrier mula sa isang international vessel matapos maaksidente habang naglalayag sa katubigan ng Pilipinas. Ayon sa PCG, nagsagawa ang coast guard ng medical evaluation sa MV Formento Two sa may 8.3 nautical miles southeast ng Virac […]