• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Onyok bibigyan ng Malacañang ng P500K

Kung hindi pa siya nag­labas ng sama ng loob ay saka pa lamang maaaksyunan ang kanyang reklamo.

 

 

Bibigyan ng Office of the President  si 1996 Olympic Games silver medalist Mansueto ‘Onyok’ Velasco Jr. ng cash incentive na P500,000 para sa kanyang naibigay na karangalan sa bansa.

 

 

Si Senate Committee on Sports chairman Sen. Bong Go ang gumawa ng paraan para maiparating kay Pangulong Rodrigo Duterte ang hinaing ng 47-anyos na si Velasco.

 

 

“Sa panahon ni Pa­ngulong Duterte, binibigyan natin ng importansya, suporta, at insentibo ang mga atleta natin lalo na yung mga nagtatagumpay sa Olympics ngayon,” sabi kahapon ni Go.

 

 

Ipinarating ni Velasco, isa nang part-time comedian at television personality, ang kanyang reklamo sa ilang interview sa gitna ng kampanya nina Olympic silver medal winners Nesthy Petecio at Carlo Paalam at bronze medalist Eumir Felix Marcial sa Tokyo Games.

 

 

Ang kanyang kuyang si Nolito ‘Boy’ Velasco ang tumulong kay Petecio sa featherweight division ng Tokyo Olympics pati na kay flyweight Irish Magno na hindi nanalo ng medalya.

 

 

Matapos kunin ang silver medal noong 1996 Atlanta Olympics ay pina­ngakuan si Velasco ng Kongeso ng P2.5 milyon na hanggang ngayon ay hindi pa niya natatanggap.

 

 

Isang negosyante naman ang nangako sa kanya ng lifetime allowance na P10,000 kada buwan na nahinto matapos ang isang taon habang hindi rin nangyari ang pagbibi­gay ng Philippine Navy ng scholarships sa dala­­wang anak.

Other News
  • Russian troops nakapasok sa isa pang lungsod sa Ukraine

    NAKAPASOK na rin ng mga sundalo ng Russia ang isa pang lungsod sa Ukraine na Kharkiv.     Sa isang Facebook post, sinabi ng head ng regional administration na si Pleg Sinegubov na sakay ng mga “light vehicles” ang mga sundalo ng Russia.     Sinabi rin niya na ini-eliminate na rin ng Ukrainian armed […]

  • Gusto ring mabawi ang nakuhang pwesto ng ‘Rewind’: KATHRYN at ALDEN, nape-pressure na mahigitan ang kinita nang unang pagtatambal

    AGAD na nag-viral ang inilabas na official trailer ng “Hello, Love, Again” na produced ng Star Cinema at GMA Pictures na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards bilang sina Joy/Marie at Ethan.   Makikitang masayang nagkasama sila sa Canada.   Pero bigla ngang nabago ang pangalan ni Kath at naging Marie. May foreigner ding […]

  • Pinupuri ng netizens sa ginawang pagdalaw: KIM, sobrang saya na muling makita si KRIS after so many years

    SOBRA saya nga ni Queen of All Media Kris Aquino nang dalawin siya ni Kim Chiu na itinuturing niyang panganay.     Makikita sa IG post ni Kris ang video ng muli nilang pagkikita ng isa sa star ng ‘Linlang’ at nominated din sa Best Actress category ng The 6th EDDYS ng SPEEd na sa […]