Hidilyn natuto na ng leksyon sa paghawak ng cash incentives
- Published on August 13, 2021
- by @peoplesbalita
Inamin ni Olympic Games gold medalist Hidilyn Diaz na hindi niya nahawakan nang tama ang mga natanggap na cash incentives matapos buhatin ang silver medal noong 2016 edition sa Rio de Janeiro, Brazil.
Halos P10 milyon ang natanggap na insentibo ni Diaz matapos kunin ang silver medal noong 2016 Olympics.
Sa kanyang pag-angkin sa kauna-unahang Olympic gold medal ng Pilipinas sa nakaraang Tokyo Games ay humigit-kumulang sa P50 milyong insentibo ang makukuha ng 30-anyos na national weightlifter.
Bukod pa rito ang isang kotse, isang van, isang condominium unit sa Eastwood City na nagkakahalaga ng P14 milyon, isang house and lot sa Tagaytay City at Zamboanga City at libreng gasolina at pamasahe sa eroplano.
“Second time ko na ito na nanalo sa Olympics. May mga wrong choices at wrong experience ako na nagawa,” ani Diaz. “Good thing, dami ko rin natutunan.”
Kumuha na ang tubong Zamboanga City ng manager/financial adviser para pamahalaan ang kanyang pera at mga product endorsements.
Idinagdag pa ng 2018 Asian Games at 2019 SEA Games gold medalist na ngayon pa lang ay iniisip na niya ang kanyang kinabukasan sakaling dumating ang oras na kailangan na niyang magretiro.
Kumuha na ang tubong Zamboanga City ng manager/financial adviser para pamahalaan ang kanyang pera at mga product endorsements.
Idinagdag pa ng 2018 Asian Games at 2019 SEA Games gold medalist na ngayon pa lang ay iniisip na niya ang kanyang kinabukasan sakaling dumating ang oras na kailangan na niyang magretiro.
-
Ipalalabas pa lang ang ‘Rewind’, humihirit na ng next project: MARIAN, hindi magagampanan ang role kung hindi si DINGDONG ang kapareha
IPALALABAS pa lamang sa December 25 bilang isa sa 10 official entries sa Metro Manila Film Festival ang “Rewind” na pinagbibidahan ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, humihirit na agad si Marian ng kasunod under Star Cinema. Obviously, nag-enjoy ito na makagawa ng movie sa Star Cinema, plus co-produced din ng AgostoDos […]
-
“The Black Phone” Rings Beyond the $100M-mark Global Box-Office
RINGING beyond the $100M-mark global box-office, Universal Pictures’ The Black Phone has successfully brought in the horror genre fans once again to the cinemas and continues to do so, making it one of the “biggest non-sequel horror” films to-date. The Black Phone is now showing in Philippine cinemas, starring a subtle powerhouse of […]
-
Bina-bash pa rin dahil ‘di raw bagay gumanap na ‘Darna’: JANE, aminadong napi-pressure at ‘di ini-expect na papalit sa action-serye ni COCO
AMINADO naman si Jane de Leon na napi-pressure siya dahil ang ‘Darna’ ang pumalit sa time slot ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ na tumagal ng seven years. Hindi raw niya kasi ini-expect na ang show niya ang mapipiling pumalit sa slot ng teleserye ni Coco Martin. Nakaka-pressure raw sa sinumang artista ang magkaroon ng […]