3 SOUTH KOREANS INARESTO NG BI
- Published on August 14, 2021
- by @peoplesbalita
INARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong South Koreans na nasa listahan ng wanted ng kagawaran at illegal na paninirahan sa bansa.
Sa report kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ng BI’s fugitive search unit (FSU), kinilala ang tatlo na sina Han Jeongcheol, 47, Yang Wonil, 48, at Cho Sunggye, 56 na inaresto sa kanilang tinutuluyan sa isang subdibisyon sa angeles City, Pampanga.
Sa report nagsagawa ng operation ang mga operatiba ng FSU upang isilbi ang isang g deportation warrant laban kay Hans dahil sa pagiging wanted sa illegal na droga sa kanilang bansa.
Pero nadatnan din ng FSU sina Yang at Cho sa loob na nang beripikahin sa South Koreans authorities, si Yang ay wanted din sa panloloko sa kanilang bansa
Nabatid na nakapag-isyu ng arrest warrant sa korte ng Korean laban kay Han noong Augut 23, 2018 dahil sapaglabag sanarcotic controlmact.
Samantala si Yang ay may nakabinbin na arrest warrant laban sa kanya na inisyu ng Seoul district court base sa kasong isinampa sa kanya sa paglabag sa panloloko.
Si Cho naman ay wanted ng BI dahil sa kanyang pagiging overstaying at undocumented allied.
Ang tatlo ay kasalukuyang nakakulong sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City. GENE ADSUARA
-
Kings center Bagley III, nagtamo ng injury sa ensayo
Nanganganib na matatagalan bago makapaglaro si Sacramento Kings center Marvin Bagley III dahil sa injury. Nagtamo kasi ito ng injury sa kanang paa noong kasagsagan ng ensayo sa Florida. Agad na itong sumailalim sa MRI at hinihintay pa ng koponan ang resulta nito. Ito na ang pangalawang injury ni Bagley dahil noong […]
-
Marcos, nanawagan para sa kalayaan mula sa COVID, ‘cancel culture’
NANANAWAGAN si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., araw ng Linggo sa mga mamamayang Filipino na magkapit-bisig para palayain ang bansa mula sa COVID-19 pandemic at paghahati-hati sanhi ng “cancel culture.” Sa kanyang Independence Day message na naka-post sa kanyang YouTube channel, sinabi ni Marcos na maaari itong makamit ng mga filipino sa pamamagitan […]
-
Ads June 23, 2021