Abalos, umapela sa publiko na huwag magpa-third dose ng bakuna laban sa Covid-19
- Published on August 14, 2021
- by @peoplesbalita
UMAPELA si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos sa mga mamamayang Filipino na huwag tangkaing magpaturok ng third dose ng coronavirus disease (COVID-19) vaccine.
Giit ni Abalos, illegal ang magpaturok ng third dose ng covid 19 vaccine na tinatawag na “booster”.
Aniya, ang pagpapaturok ng third dose ay pag-alis sa oportunidad sa kapuwa na hindi pa bakunado kahit isang beses pa lang.
“Ngayon binabakunahan po natin ang first and second doses. ‘Wag na ‘wag kayong magpapabakuna ng pangatlo dahil nagkakakulangan na ng bakuna. Uunahin po natin ‘yung first dose at second dose,” ayon kay Abalos sa isang panayam habang nagsasagawa ng pag-iinspeksyon sa proseso n pagbabakuna sa munisipalidad ng Pateros.
“Kaya ako nagsama ng mga awtoridad ngayon para ma-imbestigahan itong mga nagpapabakuna ng booster dahil bilang patakaran, bawal po ito. Hindi dapat gawin ito. Makunsensya naman kayo, and andaming wala pang bakuna, hirap na hirap na nga tayong magbakuna,” dagdag na pahayag ni Abalos.
“Ito panawagan ko–kulang tayo sa bakuna ngayon. Makunsensya naman kayo, ‘yung iba wala pang bakuna tapos kukuha kayo ng booster? ‘Wag naman ganun. Ang patakaran natin ngayon, first and second dose as far as government is concerned,” aniya pa rin.
Binigyang diin ni Abalos na ang available na bakuna sa bansa na nakuha ng pamahalaan para sa publiko ay binili o donasyon mula sa ibang bansa sa pamamagitan ng COVAX facility.
Sa kabilang dako, hindi naman lingid sa kaalaman ni Abalos ang mga balita sa social media na may mga indibiduwal ang di umano’y nakatanggap ng dalawang anti-COVID shots sa Mandaluyong City at nakatanggap ng third shot sa ibang local government unit (LGU).
“Siguro ang tanong dito, anong kaso?,” ayon kay Abalos.
“For one, tignan natin yung form niya. Kasi may form yan kung ilang shots pa, kung first or second. Tinitignan natin, pinapa-imbestigahan natin. Ngayon kung nilagay mo roon na isa ka pa lang, or dalawa, yun pala pangatlo ka na, that’s falsification,” paliwanag nito.
“We have to review our forms here and even review our ordinances here…maawa naman kayo,” aniya pa rin. (Daris Jose)
-
Mondo Announces ‘The Dune Sketchbook’ Vinyl With 3 Vibrant Movie Posters
A new vinyl version of Hans Zimmer’s Dune soundtrack, ‘THE DUNE SKETCHBOOK: Music from the Soundtrack,” is now on sale. Alongside the upcoming musical release are 3 new posters for the film, each with its own distinct style. Dune is yet to be released in some of the world’s biggest markets, but has still managed to amass well over $100 […]
-
Dahil sa birthday greetings ni LJ kay SUMMER: PAOLO, tinatanong ng netizens kung bumati o naalala ang anak
DAHIL sa birthday greetings ni LJ Reyes sa anak na si Summer, ang daming netizens at mga kapwa celebrities ang bumati rito sa Instagram ni LJ. Pero kasabay nito, may mga netizens din na nagtatanong kung paano naman daw ang daddy ni Summer, bumati rin daw or naalala rin daw kaya ang birthday […]
-
Ads August 15, 2022