JULIE ANNE, opisyal nang pinakilala ng GMA bilang ‘Asia’s Limitless Star’
- Published on August 14, 2021
- by @peoplesbalita
OPISYAL nang ipinakilala ng GMA si Julie Anne San Jose bilang “Asia’s Limitless Star” kasabay ng media conference ngayong Huwebes para sa kanyang LIMITLESS, A Musical Trilogy.
Sakto raw ito sa new project ni kung saan ipapamalas niya ang husay sa pagiging singer, songwriter, dancer, actress, host, at multi-instrumentalist sa iba’t ibang unexpected locations sa Mindanao, Visayas, and Luzon.
Talaga namang swak na swak para kay Julie ang titulo na ito at well-deserved din sa rami nang napatunayan na niya sa kaniyang showbiz career. Siguradong ipagmamalaki na naman ito ng mga proud and loyal fans niya!
Kasalukuyang napapanood si Julie sa All-Out Sundays at naghahanda na para sa pagbibidahan niyang musical series na Still kasama ang Asia’s Romantic Balladeer na si Christian Bautista.
Samantala, available na ang tickets para sa Limitless, A Musical Trilogy sa gmanetwork.com/synergy.
***
DAHIL the fans can’t get enough of the kilig tandem ng Kapuso couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos, wish granted sila sa bagong passion project na inilunsad ng dalawa — ang Figure It Out.
Ang podcast na ito ay para sa mga kapwa nila millennials na for sure ay makaka-relate sa kanilang life experiences at adventures.
Excited si Gabbi para sa kanilang kauna-unahang episode. Sa kaniyang Instagram post, “Our 1st podcast episode called “Figure it Out” is finally out on Spotify!!! join us as we share our story on “How We Met!”
Dagdag naman ni Khalil, matagal na raw nilang pinaplanong gawin ito at sa wakas ay nagkaroon na rin sila ng oras para finally ay maibahagi na ito sa lahat.
Mapapakinggan ang Figure It Out sa Spotify at YouTube channel ni Gabbi. Congrats and good luck, GabLil!
***
THANKFUL ang mga napiling GMA Artist Center talents sa pagiging parte nila ng bagong sublabel ng GMA Music na GMA Playlist.
Fresh at trendy tunes ang tampok sa GMA Playlist para sa new generation of listeners kaya naman swak na swak ang mga talento nina Mikee Quintos, Arra San Agustin, Anthony Rosaldo, Crystal Paras, Denise Barbacena, Faith Da Silva, Jeniffer Maravilla, Kaloy Tingcungco, Kim De Leon, Lexi Gonzales, Shayne Sava, Mark Herras, at Seb Pajarillo!
Sa ginanap na official launch kahapon, aminado ang lahat na looking forward na silang umpisahan ang kanilang musical journey sa ilalim ng bagong sublabel ng GMA at magkaroon ng opportunity na makipag-collaborate sa mga mahuhusay na OPM artists in the future.
Bukod dito, inihayag din nila kung gaano sila ka-thankful sa GMA sa pagbibigay ng pagkakataon na maipamalas ang kanilang mga talento sa bagong platform na ito.
Talaga namang kaabang-abang ang GMA Playlist kaya naman huwag palalampasin ang mga ire-release nilang awitin very soon! Tutok lang sa kanilang official YouTube channel at iba pang social media accounts para manatiling updated.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Nag-file na ng kaso laban sa sindikato… PAUL at MIKEE, na-scam sa cryptocurrency, milyones ang nawala
SOBRANG pasabog si Kim Chiu sa ‘Linlang!’ Grabe, ibang-ibang Kim ang mapapanood sa kanya. ‘Yung bungisngis na personalidad ni Kim, pwedeng sabihin na mapanlinlang pala. Sa ‘Linlang’, first time ni Kim na tumodo sa mga daring at intimate scene niya with Paulo at JM. Ayon kay Kim, nagtiwala na lang daw […]
-
PAGRERETIRO NG 3 COMMISSIONER, HINDI APEKTADO ANG HALALAN
TINIYAK ng Commission on Elections (Comelec) nitong Huwebes na ang kanilang paghahanda para sa halalan sa Mayo ay hindi mahahadlangan ng pagreretiro ng tatlong senior officials . Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, ang nasabing preparasyon ay matagal nang ginagawa at natugunan na sa nakaraang buwan “Remember that when running the […]
-
Ads September 6, 2021