• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lahat ng lugar sa Metro Manila, high o critical risk – DOH

Nasa ‘high o critical risk’ na lahat ng siyudad at munisipalidad sa National Capital Region (NCR) dahil sa patuloy na pagsirit ng mga bagong kaso ng COVID-19 at pagtaas ng utilization rate ng mga pagamutan.

 

 

Kabilang sa mga nasa Alert Level 4 (critical) ay ang mga siyudad ng Las Piñas, Malabon, Makati, Marikina, Muntinlupa, Navotas, San Juan, Quezon City, Taguig, Valenzuela at bayan ng Pateros.

 

 

Nasa Alert Level 3 (high) ang Caloocan, Pasig, Mandaluyong, Maynila, Pasay at Parañaque.

 

 

Sa datos hanggang Agosto 10, pinaka-kritikal ang siyudad ng Navotas na may 29.44 Average Daily Attack Rate (ADAR), at 353.25% Two-week Growth Rate (TWGR); at ang Pateros na may 39.30 ADAR at 266.35% TWGR.

 

 

Lahat din ng siyudad sa Metro Manila ay may Delta variant na. Nakapagtala ang Navotas ng walong kaso, 12 ang Malabon, apat sa Valenzuela, pito sa Caloocan, tatlo sa Pateros, lima sa Taguig, walo sa Quezon City, isa sa Marikina, 23 sa Pasig, walo sa Makati, anim sa San Juan, walo sa Mandaluyong, 16 sa Maynila, 26 sa Las Piñas, isa sa Muntinlupa, apat sa Pasay at apat din sa Parañaque. (Daris Jose)

Other News
  • Kaso ng COVID-19 sa 9 na lungsod sa Metro Manila bumaba – OCTA

    BUMABA ang kaso ng COVID-19 sa siyam na lungsod sa Metro Manila batay sa latest report ng OCTA Research  group.     Mula sa  data ng Department of Health, sinabi ni Dr. Guido David ng OCTA Team, sa 1,712 Bagong kaso ng COVID na naitala nitong nagdaang linggo sa bansa , 369 lang dito ang […]

  • Fanmade Poster for ‘James Bond XXVI’ Makes A Strong Case For Top 007 Shortlist Contender

    IN an impressive new fanmade poster for James Bond 26, Aaron Taylor-Johnson becomes 007.     After his first James Bond movie (Casino Royale) back in 2006, Daniel Craig said farewell to Bond with 2021’s No Time To Die. Since the actor’s swan song, the question of who will be the next actor to take […]

  • Gobyerno, inatasan ang DoLE na palakasin ang pagsisikap laban sa illegal recruitment

    INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Department of Labor and Employment (DOLE) na paigtingin pa ang pagsisikap nito laban sa illegal recruitment.   Ipinag-utos ng Pangulo sa DOLE na magkaroon ng mas maraming manpower at isama ang kapulisan sa pagtugon sa labor issue.   “So you fortify the anti-illegal task force,” ang sinabi ni […]