• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sec. Roque, walang narinig na binatikos mula kay Pangulong Duterte para kay Mayor Isko

HINDI maunawaan ni Presidential Spokesperson Harry Roque kung bakit binabatikos ng progressive group na Makabayan bloc si Pangulong Rodrigo Roa Duterte gayong hindi naman pinangalanan ng Chief Executive ang Alkalde na sinasabi niyang “disorganisado” sa pagbibigay ng ayuda at pagtatakda ng bakuna sa kanyang mga nasasakupan.

 

Nauna nang sinabi ng militanteng grupong makabayan na malisyoso di umano ang ginawang pag-atakeng ito ng Chief Executive kay Manila Mayor Isko Moreno at may kinalaman din umano ito sa politika dahil malaki ang posibilidad na maging presidential bet daw ang Alkalde sa 2022 election.

 

Binigyang diin ni Sec.Roque, wala siyang narinig na binatikos ni Pangulong Duterte si Mayor Isko nang maglabas ito ng sama ng loob laban sa isang metro manila mayor na hindi naging maayos ang pangangasiwa sa lugar kung saan nangyayari ang pagbabakuna.

 

Sinabi pa ni Sec. Roque na wala ring lumabas sa bibig ng Pangulo na anumang pangalan ng isang alkalde.

 

Giit nito, kung hindi man aniya sinabi ni Pangulong Duterte kung sino ang tinutukoy nitong Alkalde ng Kalakhang Maynila, desisyon aniya ito ng Punong Ehekutibo at hayaan na lamang na manatili itong isang blind item na mula sa Pangulo. (Daris Jose)

Other News
  • May nagpapa-deliver ng food at may nagluluto: JILLIAN, umamin na dalawa sa kasama sa serye ang nagpaparamdam

    DALAWA sa co-stars ni Jillian Ward sa Abot Kamay Na Pangarap ang nagpaparamdam sa magandang Kapuso young actress.   Sa guesting kasi ni Jillian sa Sarap, ‘Di Ba? ay tinanong ni Carmina Villarroel siya kung totoo bang may nagpaparamdam o nagpapa-cute sa kanya sa Abot-Kamay na Pangarap?”     Dito na nabanggit ni Jillian ang napapansin niya sa dalawang male […]

  • RABIYA, maayos na pinatulan ang matinding pang-i-insulto sa kanya ng isang basher

    NAKAAALIW ang IG post ni 2020 Miss Universe Philippines Rabiya Mateo na kung saan na naka-baker outfit kasama ang nakapaglalaway at binabalik-balikang Raisin Bread sa Baguio City.     Caption ng bagong Kapuso star, “Minsan action star, minsan panadero.     “Was privileged enough to see how to make the ever famous Raisin Bread ng […]

  • Panaga: Season-high in Blocks while mom watching

    Naghatid si Jeanette Panaga ng inspiradong performance para itulak ang Creamline sa 25-22, 22-25, 25-5, 25-19 na panalo laban kay Chery Tiggo sa kanilang 2022 Premier Volleyball League Reinforced Conference best-of-three Battle for Third series.     Ang 6-foot middle blocker ay nagrehistro ng 14 puntos sa siyam na blocks para pamunuan ang All-Filipino Cool […]