• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hiling ng DTI na maibaba sa lalong madaling panahon ang quarantine classification sa NCR, masusing pag-aaralan ng IATF sa takdang oras

MASUSING pag-aaralan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang hirit ng Department of Trade and Industry (DTI) na maibaba sa lalong madaling panahon ang quarantine classification sa National Capital Region (NCR).

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pagbabatayan ng IATF sa takdang oras ang mga datos na makukuha mula sa Kalakhang Maynila kung dapat na bang maibaba ang quarantine classification ng NCR.

 

Nauna na kasing sinabi ni DTI Sec. Ramon Lopez na nais nilang maluwagan na sa lalong madaling panahon ang quarantine status sa NCR.

 

Ani Sec. Roque, lahat naman ay naghahangad ng mas mababang quarantine classification nang sa gayon ay mas marami pa ang makapagtrabaho.

 

Subalit, ang desisyon ng IATF ay unahin ang total health protection ng publiko laban sa Delta variant.

 

Binigyang diin nito na hindi papayagan ng gobyerno na tuluyang magkasakit ang maraming Pilipino at hindi maging handa ang Healthcare system ng bansa para gamutin Ang mga seryoso o kritikal na magkakasakit Ng virus.

 

Sa kasalukuyan, pinapadami na ng gobyerno ang ICU bed capacity ng bansa upang mapaghandaan ang posibleng pagtaas pa ng kaso ng Covid-19. (Daris Jose)

Other News
  • Marcos Jr. nanumpa na bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas

    MAGSISIMULA na ang termino ni Ferdinand Marcos Jr. bilang susunod na pangulo ng Pilipinas matapos ang matagumpay na inagurasyon sa National Museum of Fine Arts sa Maynila, Huwebes.     Tanda ito ng anim na taong panunungkulan ni “Bongbong,” matapos i-administer ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo ang kanyang panunumpa sa tungkulin sa makasaysayang […]

  • Patuloy ang positibong feedback sa ‘My Plantito’: KYCH at MICHAEL, damang-dama ang ligaya at suporta sa pumunta sa fan meet

    DUMALO ang cast at crew ng My Plantito sa fan meet na ginanap noong Setyembre 16, kabilang ang kapana-panabik na tambalan ng mga bida ng serye, sina Kych Minemoto at Michael Ver.     Kasama ang iba pang artista na sina Ghaelo Salva, Devi Descartin, Elora Espano at Derrick Lauchengco.     Nagkaroon nga ng pagkakataon ang mga masugid […]

  • Pagpatay sa 18-anyos na estudyante, nasaksihan ng sariling ina sa Malabon

    LABIS na kalungkutan ang dinaranas ng isang 56-anyos na ina matapos matuklasan na ang sarili pala niyang anak na 18-anyos na lalaki ang biktima sa nasaksihang malagim na pagpatay sa Malabon City, Huwebes ng madaling araw.     Nadiskubre ang walang buhay na katawan ni John Michael Legaspi, residente ng 258 Dulong Hernandez St. Brgy. […]