• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ANAK NG MAG-ASAWANG MAMBABATAS, ITINALAGA NI PANGULONG DUTERTE NA BAGONG KONSEHAL NG MALABON

ITINALAGA ni pangulong Rodrigo Duterte ang 27-anyos na anak ni Malabon City Rep. Jaye Lacson-Noel at An Waray Party-list Rep. Florencio ‘Bem’ Noel bilang miyembro ng Sangguniang Panlunsod at kapalit ng isang konehal na may sakit.

 

 

Ayon kay Lacson-Noel, ang pagkakatalaga sa kanyang anak na ngayon ay si Councilor Regino Federico ‘Nino’ Noel, ay nilagdaan ng Presidente noong August 2, 2021 at parehong ipinasa sa opisina ni Secretary Eduardo Año, ng Department of the Interior and Local Government (DILG), para sa pagpapatupad.

 

 

Pormal na ipinadala ni Año ang appointment paper na may petsang August 11, 2021 sa bagong miyembro ng konseho at inatasan siyang magsumite ng isang kopya ng kanyang panunumpa sa tanggapan ng Pangulo at DILG.

 

 

Inaasahang manunumpa si Konsehal Noel ngayong araw (Biyernes) kay Mayor Antolin ‘Lenlen’ Oreta III at sasaksihan ng presiding officer ng konseho na si Vice Mayor Bernard ‘Ninong’ dela Cruz, mga kasamahan at ng kanyang ipinagmamalaking magulang.

 

 

Ang batang Noel ay papalit kay Councilor Edwin Gregorio Dimagiba, isang veteran local legislator at dating Nationalist People’s Coalition (NPC) party-mate, na may problem sa puso.

 

 

Si Dimagiba ay malapit na kamag-anak ng mambabatas ng Malabon na nagpahayag ng kanyang pasasalamat sa Pangulo sa pagbibigay ng pagkakataon sa kanyang anak na maglingkod sa mga residente bilang kasapi ng konseho ng lungsod.

 

 

“I and Congressman Bem were so thankful to President Duterte for appointing our son as newest member of Malabon Council. He has been active in the city even before his appointment and has been my companion especially during this pandemic in providing all forms of assistance to the city folks,” pahayag ni Lacson-Noel.

 

 

Ayon sa kanya, kasama sa mga adbokasiya ni Councilor Noel ang mental health, environmental protection, financial literacy pati na rin ang youth empowerment. (Richard Mesa)

Other News
  • Sa first Tiktok Series sa Pilipinas na ’52 Weeks’: Tiktok Superstar na si QUEENAY, bidang-bida na at makatatambal si JIN

    BIDANG-BIDA ang isa Tiktok Superstar na si Queenay Mercado, na una naming napanood sa ‘Sing Galing’, na kung saan makatatambal niya ang ‘It’s Showtime’ Ultimate BidaMan winner na si Jin Macapagal, sa kauna-unahang Pinoy Tiktok series na “52 Weeks.”   Matapos nga ang matagumpay na launching ng digital series na “GVBOYS: Pangmalakasang Good Vibes” at […]

  • Pagkatapos ng ‘Here Lies Love’ sa Broadway: LEA, kasama sa opening ng ‘Sondheim’s Old Friends’ sa London

    MAY bagong pinagkakaabalahan na musical si Lea Salonga pagkatapos ng Here Lies Love on Broadway.       Kasama ang Tony Award-winning Filipino international star sa opening ng “Sondheim’s Old Friends” in London.       Pinost ni Lea via social media ang kanyang excitement na bahagi siya ng show na tatakbo for 16-weeks.   […]

  • Guidelines sa mga caravans at motorcades, inilabas ng MMDA

    Magiging pahirapan ngayon para sa mga organizers ng mga caravans at motorcades ng mga tumatakbong kandidato sa 2022 national at local elections kasunod pag-iisyu ng Manila Development Authority (MMDA) ng guidelines sa National Capital Region (NCR) sa pagsasagawa ng mga naturang aktibidad.     Ito ay para siguruhin ang kaligtasan ng mga lansangan dito sa […]