• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pacquiao babalikan si Spence

Ayaw tantanan ni eight-division world champion Manny Pacquiao si reig­ning World Boxing Council (WBC) at International Boxing Federation (IBF) welterweight champion Errol Spence Jr.

 

 

Desidido ang Pinoy champion na muling maikasa ang isang blockbuster fight laban kay Spence sa oras na gumaling na ito sa kanyang eye injury.

 

 

“I have no problem figh­ting Spence. As long as he’s still physically fit, then okay,” pahayag ni Pacquiao sa panayam ng TMZ.

 

 

Matatandaang nag-withdraw si Spence sa laban nito kay Pacquiao sa Agosto 21 (Agosto 22 sa Maynila) matapos matuklasang may punit ang retina nito sa kaliwang mata base sa isinagawang pre-fight medical examination ng Nevada State Commission.

 

 

Sumailalim na sa ope­ras­yon si Spence at kasalukuyang nagpapagaling na para sa laban.

 

 

Ipinakita pa ni Pacquiao ang larawan ni Spence matapos ang operasyon.

 

 

Ilan buwan din ang kakailanganin para tuluyang gumaling ang mata nito.

 

 

Sa oras na gumaling ito, handa rin si Spence na makaharap si Pacquiao dahil itinuturing niya itong biggest fight sa kanyang career.

 

 

Sa ngayon, sesentro muna ang atensiyon ni Pacquiao kontra kay reig­ning World Boxing Association (WBA) welterweight champion Yordenis Ugas na naging kapalit ni Spence sa laban.

Other News
  • SSS, muling inilunsad ang pension boosters

    MAAARING mag-invest ang mga miyembro ng Social Security System sa kanilang pension fund dahil muling inilunsad ng SSS ang kanilang Pension Booster program.       Kilala noon bilang Workers and Investment Savings Program o WISP at WISP Plus, sinabi ni SSS President at CEO Rolando Macasaet na hinihikayat nila ang mga professionals at middle […]

  • Ads April 5, 2024

  • DND Chief Faustino, nagbitiw sa puwesto; Galvez humalili

    TINANGGAP na ni Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibitiw sa puwesto ni Department of National Defense (DND) officer-in-charge Senior Usec. Jose Faustino Jr.     Ito ang inihayag ni Press Secretary OIC Cheloy Garafil. Walang ibinigay na dahilan si Garafil sa pagbibitiw ni Faustino.     Inalok naman kay Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and […]