Lambda variant nakapasok na sa Pinas
- Published on August 17, 2021
- by @peoplesbalita
Nakapagtala na ang Pilipinas ng unang kaso ng COVID-19 Lambda variant, ayon sa pagkumpirma ng Department of Health (DOH).
Sa ulat ng DOH, University of the Philippines – Philippine Genome Center (UP-PGC), at ng UP-National Institutes of Health (NIH), lumilitaw na ang unang kaso ng Lambda variant ay natukoy sa pinakahuling genome sequencing na isinagawa nila.
Ang pasyente na dinapuan ng Lambda ay isang 35-anyos na babae na bina-validate pa kung local case o returning overseas Filipino (ROF).
Ang pasyente ay asymptomatic at nakarekober na matapos na sumailalim sa 10-day isolation period.
Anang DOH, kasalukuyan na silang nagsasagawa ng back tracing at case investigation hinggil dito.
Ang Lambda variant ng COVID-19 ay unang natukoy sa Peru noong Agosto 2020.
Ito ay klasipikado bilang Variant of Interest (VOI) ng World Health Organization (WHO) noong Hunyo 14, 2021.
Anang DOH, ang naturang VOI ay may potensiyal na makaapekto sa transmissibility ng SARS-CoV-2 at kasalukuyang minomonitor para sa posibleng clinical significance nito. (Daris Jose)
-
Ho nagpaalala sa bakuna
TINAGUBILINAN ni dating Philippine Super Liga (PSL) star Gretchen Ho ang publiko hinggil sa mainit ngayong isyu sa bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (Covid-19) at ang patuloy pa ring pagsirit ng pandemya sa bansa. Aniya kamakalawa, bago paghinalaan ang iniksiyon para sa pandemic at kumuda ang mga nagmamagaling, dapat alamin kung saan ito […]
-
P13 milyon halaga ng shabu nasabat sa Caloocan, bebot timbog
MAHIGIT P13 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa 25-anyos na babae na tulak umano ng illegal na droga matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City, Martes ng hapon. Kinilala ni Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP-DEG) Director PBGEN Remus Medina ang naarestong suspek na si […]
-
Malawakang bakunahan sa transport sector, aarangkada na
Aarangkada na simula sa darating na araw ng Sabado, Hulyo 31 ang malawakang pagbabakuna sa lahat ng mga driver, konduktor at iba pang transport workers bilang bahagi ng vaccination for transport workers program ng Department of Transportation, Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Office of Transport Cooperatives (OTC) Ang pagbabakunang ito […]