• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sec. Roque, hindi pa masabi kung extended o hindi ang ECQ sa NCR

HINDI pa masabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque kung dapat ba o hindi na palawigin pa ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) na magtataposa Agosto 20, 2021.

 

Ang katwiran ni Sec. Roque, may ilang araw pa naman bago makita ang datos na pagbabasehan kung quarantine status sa NCR.

 

“Ang ating objective ay iyong sinasabi nating total health. Bawasan iyong kaso pero hindi naman po pupuwedeng dadami iyong hanay ng mga magugutom,” ayon kay Sec.Roque.

 

“So, tingnan natin ang datos mayroon pa tayong mga araw noh? At sa tingin ko naman, alam na nating lahat ito po iyong parang third na pagtaas na ng mga kaso noh? Alam po natin na it takes about two weeks bago po magkaroon ng epekto iyong ating ECQ. at maski dumating po ang a-bente eh hindi pa po natin makikita iyong pagbaba noh? yan po ang ating naging karanasan sa dalawang pagkakataon na tumaas ang kaso natin at nag-ecq rin po tayo,” aniya pa rin.

 

Samantala, hanggang ngayon ay wala pa ring rekomendasyon ang Metro Manila Council sa Inter-Agency Task Force (IATF) kung palalawigin o hindi ang ECQ sa NCR.

 

“Wala pa pong rekomendasyon at nilinaw po ni Mayor Olivarez na bagama’t nagkaroon ng ulat sa isang pahayagan na ‘di umano ay nag-meeting na ang mga mayor, wala pa pong ganiyang pagpupulong na nangyayari.” anito. (Daris Jose)

Other News
  • Katuwang na sa paghahanap ng pondo: VILMA, mas na-appreciate ang nagawang movies na ni-restore

    KAHIT na masama ang pakiramdam ay hindi binigo ni Star for All Seasons Vilma Santos-Recto ang mga estudyante ng Senior High School ng UST.  Punum-puno ang auditorium ng Blessed Pier Giorgio Frassati ng mga Senior High students ng UST na maaga pa lang ay nagtiyagang pumila para manood ng film showing and talk back ng […]

  • 40.7 init, posible hanggang Mayo – PAGASA

    DAHIL sa patuloy na epekto ng El NIño phenomenon o panahon na walang ulan at summer season, tinaya ng PAGASA na papalo mula 40.3 hanggang 40.7 ang temperatura sa Northern Luzon  hanggang sa katapusan ng Mayo.       Sinabi ni Dra. Ana Solis, hepe ng Climate Monitoring and Prediction ng PAGASA, nakapagtala na ang […]

  • IZA, matagal-tagal din ang pinaghintay para tuluyang makalipad bilang ‘Darna’; bahagi na ng Pinoy superhero history

    SA wakas makalilipad na rin si Iza Calzado bilang Darna sa upcoming na Mars Ravelo’s Darna: The TV Series na pagbibidahan ni Jane de Leon.        Si Iza ang gaganap na unang ‘Darna’ sa tv series, siya ang magpapasa ng mahiwagang bato sa kanyang anak na si Narda (Jane de Leon), na magta-transforms […]