PSC umaasang mabibigyan ng sapat na pondo
- Published on August 17, 2021
- by @peoplesbalita
Kung mabibigyan ng sapat na pondo ay maaaring maulit o mahigitan pa ng Team Philippines ang kanilang performance sa nakaraang Tokyo Olympics sa paglahok sa 2024 Paris Games.
Gumastos ang Philippine Sports Commission (PSC) ng humigit-kumulang sa P2.7 bilyon simula noong 2016 na nagresulta sa isang gold, dalawang silvers at isang bronze medal sa Tokyo Olympics.
Ayon kay PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez, tutulungan sila ni Philippine Olympic Committee (POC) president at Tagaytay City Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino na makakuha ng mas malaking pondo.
“Nakapag-exchange kami ng idea ni Congressman Bambol, if we can sustain the same P1.3 billion na ibinigay ng Kongreso last year, he mentioned na being a Congressman balak niyang dagdagan. So nasa kanya na iyan.”
Sa Tokyo Olympics ay naglabas ang PSC ng P200 milyon para sa preparasyon at pagsabak ng Team Philippines.
Nagresulta ito sa pagbuhat ni weightlifter Hidilyn Diaz sa kauna-unahang Olympic gold ng Pinas bukod pa ang dalawang silvers nina boxers Nesthy Petecio at Carlo Paalam at isang bronze ni Eumir Felix Marcial.
-
Trial doses ng Sputnik V, hahatiin sa 5 lungsod sa Metro Manila
Limang lungsod pa lang sa Metro Manila ang makatatanggap ng 15,000 doses ng inisyal na sampol ng Sputnik V COVID-19 vaccine mula sa Russia na dumating sa bansa nitong Sabado. Makakatanggap ng tig-3,000 trial doses ng naturang bakuna ang mga lungsod ng Makati, Taguig, Muntinlupa, Maynila at Parañaque. Ayon kay Health […]
-
China umalma sa paglayag ng warship ng US sa WPS
HINDI na naitaboy ng China ang barkong pandigma ng US na pumasok umano sa karagatang nasasakupan nila. Ayon Southern Theatre Command ng People’s Liberation Army na iligal umanong naglayag ang USS Benfold sa Chinese territorial waters ng walang paalam. Binalaan nila ang US na agad na itigil ang anumang hakbang na […]
-
Sa hindi mamatay-matay na gender issue: Sagot ni STELL: ‘if ever man na ganun ako, ano’ng problema?’
SINAGOT na ng SB19 member na si Stell Ajero ang hindi mamatay-matay na gender issue sa kanya. Sa naging interview ni Boy Abunda sa P-pop Kings na SB19 as programang Fast Talk with Boy Abunda, tinanong niya ang mga ito tungkol sa mga kumukuwestiyon sa kanilang sexuality. […]