• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SARAH, pinalalagay na ‘preggy’ dahil sa IG post ni MATTEO na pinag-iisipan bumili ng family SUV

MARAMING nag-react sa IG post ni Matteo Guidicelli sa nilagay niyang caption na, “I’m thinking of getting a new family SUV.”

 

 

At tulad ng inaasahan, advance na mag-isip ang netizens na base sa post ni Matt ay pinalalagay nilang baka ‘preggy’ na si Sarah Geronimo-Guidicelli.

 

 

Comment nila sa post ni Matteo na may ilan din namang kumokontra:

 

“Omgee! Preggy na si Sarah G??”

“Is this another endorsement from Nissan or just a hidden message to your caption?”

“Family means a baby on the way…”

“Ganyan din ako ang hinala ko dati sa favorite showbiz couple ko. Bumili sila ng pamfamily na SUV, at tama nga hinala ko na buntis nga yung girl. Baka preggy nga rin si SG.”

“Sana preggy na talaga! Excited na mga Ashmatts!!!”

“Baby GG reveal na yarn.”

“Wow!! The fambam is ‘growing’ na ba??

“Nagpapahiwatig kaba?”

“isama mo na yung baby seat para ready na.”

“I hope totoo na this time. Excited ako with their future babies.”

“i’ve been thinking lately that sarah might be pregnant hmmmm baka tama nga naman ako kasi indi masyado makikita si sarah sa social media lately hmmm. wow sana ..we popster will be more happier

“I dreamt of Sarah last night, could it mean a special announcement is coming.”

“Or baka new endorsement lang. From what I notice they are private with their relationship hindi sila basta magiingay unless may relate sa commercials nila.”

 

 

Oh well, wait na lang tayo after three months, dahil medyo safe yun sa isang nagbubuntis, ipag-pray na lang natin ang mag-asawa.

 

 

***

 

 

HABANG papalapit ang Setyembre, inihayag ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na ang taunang Film Industry Conference nito ay magiging International Film Industry Conference (IFIC) Online mula Setyembre 16 hanggang 19, na mayroong isang buwang selebrasyon at kaganapang nakapila para sa pinakaunang pagdiriwang ng Philippine Film Industry Month.

 

 

Ang ika-5 na edisyon ng IFIC ay patuloy na magbibigay ng komprehensibong kaalaman para sa young filmmakers at enthusiasts habang pinagsasama-sama ang local at international experts sa industriya bilang speakers at panelists sa serye ng public sessions at masterclasses.

 

 

Lumipat ang IFIC ng online noong nakaraang taon at nagkaroon ito ng mahigit sa 2,000 na attendees sa buong event. Ngayong taon, magkakaroon ng libreng public sessions at masterclasses na bukas sa publiko, parehas na local at international.

 

 

“The success of last year’s Film Industry Conference indicates that even amidst the pandemic and the shift to online platforms, the passion to learn more about the different aspects of cinema is still present. Through its 5th edition, the International Film Industry Conference Online, we want to support aspiring and budding filmmakers from the Philippines and the rest of the world by providing lessons that would help them grow and develop in their filmmaking journey,” wika ni FDCP Chairperson at CEO Liza Diño.

 

 

Inilunsad noong 2017, bumubuo ng IFIC ng platform para sa aspiring Filipino filmmakers at film enthusiasts upang mas madagdagan ang pagsisiyasat sa mga oportunidad, hamon, at new norms sa industriya ng pelikula sa panahon ng pandemya.

 

 

Idaraos ang IFIC sa Setyembre, ang idineklarang Philippine Film Industry Month ni President Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng Proclamation No. 1085, Series of 2021, kasama ang iba pang FDCP-organized na programa, proyekto, at kaganapan para sa taunang pagdiriwang.

 

 

Para sa mga paparating na impormasyon at updates sa IFIC, i-follow ang opisyal na Facebook page sa www.facebook.com/IFICPHofficial/.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • SolGen, naghain ng gag order sa SC vs ABS-CBN

    Hiniling kahapon, Pebrero 18 ng Office of the Solicitor General (OSG) Supreme Court na mag-isyu ng gag order para pigilan ang sino mang partido o personalidad mula sa ABS-CBN na maglabas ng kanilang statement o talakayin ang quo warranto petition kaugnay ng franchise case ng TV network.   Depensa ni Solicitor General Jose Calida, ang […]

  • Bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa bansa, pumalo sa mahigit 2.93-M – PSA

    NADAGDAGAN pa ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa bansa noong buwan ng Mayo ng taong kasalukuyan ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).     Sa ulat ni National Statistician and Civil Registrar General at PSA Undersecretary Dennis Mapa sa press conference kaugnay sa May 2022 Labor Force Survey (preliminary) results, pumalo pa sa […]

  • Secure Ventures: Aboitiz Land’s Real Estate Forum in Singapore and Malaysia

    Explore safe and secure real estate investment opportunities offered by Aboitiz Land in the thriving real estate markets of Central and South Luzon, as well as Cebu. This invitation is your gateway to investing in a brighter future. Discover investment opportunities at https://bit.ly/aboitizlandoverseas.   Following its successful foray into the Middle East, Aboitiz Land is reaffirming […]