Dating editor ng Remate, patay matapos barilin sa loob ng pag-aaring salon sa Quezon City
- Published on August 19, 2021
- by @peoplesbalita
Patay ang dating editor ng pahayagang Remate matapos pagbabarilin sa pagma-may-ari nitong salon sa Barangay Apolonio Samson sa Quezon City.
Kinilala ang biktima na si Gwenn Salamida. Sugatan naman ang kasamahan nito na si Oliver Perona.
Batay sa report ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit, nangyari ang pamamaril bandang 3:30 kaninang noong Lunes, GOOT salon sa Kaingin road Apolonio Samson
Pinasok umano ng di pa nakikilalang lalaki ang salon para mang holdap. Pero, nanlaban umano ang babae dahilan para barilin ito ng suspek.
Tumakas ang salarin matapos ang pamamaril at di pa malinaw kung may nakulimbat na salapi ang suspek.
-
Mga bagong talagang opisyales, nanumpa kay ES Bersamin
NANUMPA sa harap ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang ilang mga bagong opisyal na naitalagang manilbihan sa administrasyong Marcos. Kasama sa mga nasabing bagong opisyal si retired Police General Gilbert D. Cruz na nanumpa bilang Undersecretary ng Presidential Anti – Organized Crime Commission (PAOCC). Si Cruz ay nanilbihan din dati sa […]
-
PBBM, ikinatuwa ang naging pasiya ng MANIBELA at PISTON na tapusin na ang kanilang tigil- pasada
LABIS na ikinatuwa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang naging desisyon ng dalawang transport groups na itigil na ang kanilang ikinasang tigil-pasada at hindi na paaabutin pa ito ng isang linggo. Sa ipinalabas na kalatas ng Presidential Communications Office (PCO), sinabi nitong masaya ang gobyerno sa naging pasiyang MANIBELA at PISTON kasunod ng […]
-
NAKATANGGAP ang 56 rehistradong mangingisdang Navoteños
NAKATANGGAP ang 56 rehistradong mangingisdang Navoteños ng NavoBangka fiberglass boats at lambat mula kay Senator Imee R. Marcos bilang bahagi ng isang linggong pagdiriwang ng kaarawan nina Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco. Nagpahayag naman ng pasasalamat ang Tiangco brothers sa Senadora sa ibinigay niyang tulong sa mga mangingisda sa Navotas. (Richard Mesa)