• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

6 dagdag na benepisyo sa health workers isinulong

Makakakuha ang frontline health workers ng anim na dagdag na benepisyo tuwing may public health emergency, kapag naisabatas ang panukalang isinumite ni Sen. Kiko Pa­ngilinan.

 

 

Layon ng “Health Wor­kers Protection During Public Health Emergencies Act” ni Pangilinan na pagtibayin ang dagdag na benepisyo para sa public at private health care workers na may direktang contact sa mga taong may sakit tuwing may public health emergencies.

 

 

Layon ng panukala na magbigay ng buwanang Special Risk Allowance sa kabuuan ng State of National Emergency at Active Hazard Duty Pay na hiwalay sa hazard pay na ibinibigay sa ilalim ng Republic Act No. 7305 o the Magna Carta of Public Health Workers.

 

Ang Active Hazard Duty Pay ay katumbas ng 25 porsiyento ng arawang sahod ng healthcare worker batay sa bilang ng araw na sila’y nagreport sa trabaho.

 

 

Kabilang sa iba pang benepisyo ay ang libreng gastusin sa pagpapagamot kapag nahawa o nagtamo ng pinsalang may kinalaman sa trabaho ang health worker, bayad sa mga mahahawa habang naka-duty; libreng life insurance, transportation at pagkain; at supply ng Personal Protective Equipments at libreng at regular na health testing.

 

 

Ang kompensasyon kapag nagkasakit ay mula P15,000 kapag mild o mo­derate ang karamdaman, P100,000 kapag malala o kritikal at P1 milyon kapag pumanaw ang health worker.

Other News
  • Mayor Guo sinalag ‘conspiracy’ sa POGO

    NANINDIGAN si Bamban Tarlac Mayor Alice Guo na wala itong koneksyon sa anumang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) operations sa bansa kaya maling tawagin itong “conspirator” nang walang matibay na ebidensya.     Ang pahayag ay ginawa ni Mayor Guo bilang reaksyon sa kasong Anti-Trafficking in Persons na isinampa laban sa kanya sa Department of […]

  • ‘Di naman ni-report na na-hack o na-deactivate: IG account ni MAGGIE biglang nawala, kaya maraming nagulat

    MASAYANG tinanggap ni Nadine Samonte ang plaque of recognition bilang alumna ng Alternative Learning System (ALS) school at ginawa rin siyanb ALS Ambassador of Schools Division Office-Malabon City.       “Nakakataba ng puso na makatanggap ng recognition award kung saan don din ako nakapagtapos. Sabi ko nga sa speech ko kanina ang ALS program […]

  • US gymnast Simone Biles nakamit ang ika-6 na Olympic gold medal

    NAKAMIT  ng US gymnastic star Simone Biles ang kaniyang ika-anim na  Olympic Gold Medal matapos magtagumpay sa Women’s All-Around category. Nahigitan nito sa nasabing laban si Rebeca Andrade ng Brazil na itinuturing nitong matinding katunggali. Nakakuha ito ng kabuuang 59.131 points na mas lamang ng 1.199 points laban sa Brazilan gymnast. Ito na ang pangalawang […]