• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pilipinas, nakatugon na sa requirement ng WHO hinggil sa bilang ng mga health workers na fully vaccinated na

TINATAYANG 90% na ng mga health workers ang nakatanggap na ng kumpletong bakuna.

 

Sinabi ni Chief Implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr.na nakatugon na aniya ang pamahalaan sa itinatakda ng WHO na porsiyento ng mga medical workers na dapat nang nakatanggap ng bakuna.

 

May 93% na aniya ang fully vaccinated na nasa A1 group na kumakatawan sa may  1,539,679 na healthcare workers.

 

“Sa ngayon po ay mayroon na po tayong 1,539,679 na healthcare workers or 93 percent na fully vaccinated.

 

Sa ngayon mayroon na tayong mga 3.6 million na fully vaccinated na ng A2. Nakikita natin na may agwat ang first dose at saka second dose dahil dito  — dito natin ikinount (count) ang Johnson & Johnson na one single dose,” ayon kay Galvez.

 

Sa kabilang dako, umaangat na rin  ang A2 at  A3 group o ang grupo ng mga senior at mga may commorbidities.

 

May 3.6 million na ani Galvez ang fully vaccinated na mga A2 o Senior habang nasa 66 percent na ang bakunado sa A3 group at nasa 1.1 million ng fully vaccinated ang nasa hanay ng A5 o poor community.

 

“At ngayon umaangat na rin ‘yung ating priority group A2 and A3. Sa ngayon mayroon na tayong mga 3.6 million na fully vaccinated na ng A2 ngayon mayroon na tayong mga 3.6 million na fully vaccinated na ng A2. Nakikita natin na may agwat ang first dose at saka second dose dahil dito  — dito natin ikinount (count) ang Johnson & Johnson na one single dose,” aniya.

 

“And then dito rin po sa A3 ganito rin po na mas mataas po ang fully vaccinated dahil dito rin po natin ikinount (count) ‘yung ano, ‘yung Johnson & Johnson. So mayroon na po tayong 4.7 or 66 percent. At tumataas na rin po ang ating bilang sa ating A5, ‘yung ating mga poor communities, mayroon na po tayong 1.1 million. At ito na po ang tina-target natin naman sa Moderna, ‘yung bigay po ng COVAX,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Forever home’ nina SHARON, kakayanin kahit ang pinakamalakas na lindol; two years bago matapos

    NAKALULULA ang Instagram post ni Megastar Sharon Cuneta ng basement parking pa lamang ng ipinatatayo niyang bahay, na tinatawag niyang ‘forever home,’ kaya alam mo nang napakalaki ng lote nito at napakalaki rin ng bahay na itatayo dahil aabutin daw ng two years or more bago matapos.      Caption ni Sharon sa video posted […]

  • Marcos, hindi pa rin nakukuha ang ‘endorsement’ ni PDU30- Malakanyang

    HANGGANG ngayon ay hindi pa rin nage-endorso si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng kahit na sinumang presidential candidate sa kabila ng pagsuporta ng kanyang partido, Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban), sa kandidatura ni dating Senador Ferdinand Marcos Jr.     Sinabi ni acting Deputy Presidential Spokesperson at Communications Undersecretary Michel Kristian Ablan na tila […]

  • TANGGAL BARA, IWAS BAHA PROGRAM, INILUNSAD SA QC

    INILUNSAD ng Quezon City Government ang programang TANGGAL BARA, IWAS BAHA at kabahagi rito ang 142 na barangay ng lungsod upang palakasin pa ang flood mitigation ng lokal na pamahalaan.     Inatasan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga opisyal ng barangay na unahin o gawing prayoridad ang pagtanggal sa mga bara sa […]