Paralympian Achele Guion, hangad na makakuha ng medalya sa Paralympic Games
- Published on August 20, 2021
- by @peoplesbalita
Patuloy ang paghahanda ng anim na pambansang atleta na lalahok sa Paralympic Games na gaganapin sa Tokyo, Japan sa Agosto 24- September 5, 2021.
Kabilang sa kanila si Achele Guion na naghahangad na manalo ng medalya matapos na magkaroon ng inspirasyon sa panalo ng gold medal ni weightlifter Hidilyn Diaz.
Sinabi ni Guion na sa kanyang ensayo ay nalampasan na niya ang kanyang record na 67 kgs sa powerlifting sa Asian Games sa Jakarta, Indonesia.
Ang target niyang maabot ay 80 to 82 kilograms sa kanyang paglahok sa Tokyo Paralympic Games.
Si Guion ay nagtatrabaho sa Tahanang Walang Hagdan sa Cainta, Rizal at lumiban ng isang buwan para sa kanyang training at paglahok sa Paralympic Games.
Nagpapasalamat siya sa suporta ng kanyang pamilya at Philippine Sports Commission o PSC.
Maglalaro si Guion sa August 26, 2021 at umaasa na mananalo siya ng medalya.
Mahigpit niyang kalaban ang powerlifter ng China na kaya ang 105 kgs.
Pangarap niyang matapos na ang kanyang at matutulungan din ang kanyang pamilya lalo na kanyang nanay sa kanyang maintenance medicine,
Sasabak din sa Tokyo Paralympics sina swimmers Ernie Gawilan at Gary Bejino, jin Allain Ganapin, wheelchair racer Jerrold Mangliwan at discus thrower Jeanette Aceveda.
Simula noong 1988 Seoul Olympic Games sa South Korea ay hindi pa nakapag-uuwi ang Pilipinas ng gintong medalya sa Paralympics Games.
Magtutungo na sa Linggo Tokyo, Japan ang anim na Para athletes.
-
PBBM, ipinag-utos ang mahigpit na pagmo-monitor sa presyo ng bigas
NAGBABALA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hahabulin ng pamahalaan ang mga rice hoarders at price manipulators na sinasamantala ang lean months bago pa ang harvest season sa gitna ng napaulat na pagtaas sa presyo ng bigas sa mga pamilihan. Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na binigyang diin ni Pangulong President […]
-
15K benepisyaryo mula sa industriya ng sining, inayudahan sa BPSF
INILUNSAD ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang isang malawak na programa na nagkakahalaga ng P75 milyon, na layuning magbigay ng tulong-pinansyal at mga pagkakataon sa pagpapahusay ng kakayahan para sa mahigit 15,000 miyembro ng industriya ng sining, kabilang ang pinansyal na suporta at iba pang mga serbisyo […]
-
Alcantara, Gonzales exit sa Men’s World Tennis Tour
NAPASIBAT agad ang Philippine bet na sina Francis Casey ‘Niño’ Alcantara at Ruben Gonzales sa ASC BMW $25,000 Men’s World Tennis Tour double first round sa Naples, Florida nang mabigo laban kina third seed tandem Alejandro Gomez ng Columbia at Israel ‘Junior’ Alexander Ore ng USA, 4-6, 6-1, 10-1. Buwena-manong kompetisyon pa lang […]