NCR at Laguna ilalagay sa MECQ simula Agosto 21-31
- Published on August 21, 2021
- by @peoplesbalita
Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang paglalagay sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang National Capital Region at Laguna simula Agosto 21 hanggang Agosto 31 habang ang Bataan ay nasa MECQ din mula Agosto 23-31.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi pa rin pinapayagan ang mga indoor at al-fresco dine-in services ganun din ang mga personal care services kabilang ang beauty salons, beauty parlors, barbershops at nail spas sa NCR at Bataan.
Lahat ng mga religious gatherings ay mananatiling virtual sa NCR, Bataan at Laguna.
Pinayuhan din ng IATF ang mga nabanggit na local government unit na paigtingin ang kanilang vaccination rates, Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate (PDITR) strategies at patuloy ang pagpatupad ng minimum public health standards. (Daris Jose)
-
Nagtamo ng head injury dahil sa aksidente: Pamilya ni JAN, humihingi ng dasal at tulong pinansyal
NANAWAGAN ng tulong ang pamilya ni Starstruck Season 4 Avenger Jan Manual matapos maaksidente sa kanyang kotse ang aktor at magtamo ng head injury. Kinuwento ng misis ni Jan na si Jamey Manual na patungo sila ng ospital para pabakunahan ang kanilang dalawang buwang gulang na sanggol. Pero habang nakapreno ang kotse, umarangkada […]
-
Pagbangon ng ekonomiya prayoridad ni Leni – Trillanes
PAGPAPANUMBALIK ng sigla ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagbibigay tulong sa pamilyang Filipino, sa maliliit na negosyo, at sa mga nawalan ng trabaho ang priority ni VP Leni Robredo. Ito ang binigyang diin ni dating Sen. Antonio “Sonny” Trillanes sa plano ni Robredo na “post-COVID recovery” na tutulong sa pagbangon ng mga maliliit […]
-
TNT Tropang Giga tatapusin na ang SMB
ANG pagsasara sa isang serye ang pinakamahirap gawin, ayon kay nine-time PBA champion coach Chot Reyes ng nagdedepensang TNT Tropang Giga. “I’ve always said it. The hardest game to win is the fourth game. So we have no illusions about it,” sabi ni Reyes sa pagsagupa ng Tropang Giga sa San Miguel Beermen […]