• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ex-DBM procurement head ‘susi’ sa overpriced face mask, face shield

Hinikayat ni Senate Minority Leader Franklin M. Drilon ang nagbitiw na si dating Budget Undersecretary Lloyd Christopher Lao na isiwalat ang mga nalalaman sa overpriced na face mask at face shield na binili ng Department of Health sa pamamagitan ng Procurement Service ng Department of Budget and Management.

 

 

Naniniwala si Drilon na si Lao ang “missing link” sa natuklasan ng Commission on Audit na overpriced na mga medical supplies kabilang ang face masks at face shields.

 

 

Ayon kay Drilon, dapat gawin ang lahat upang magkaroon ng linaw sa isyu kung saan naglagak ang Department of Health (DOH) ng P42 bilyon sa DBM procurement service subalit kinuwestyon ng COA dahil sa kawalan ng documentary requirement.

 

 

“He leaves behind him so many questionable transactions which we will dig into. We will not leave any stone unturned in uncovering what could be a possible overpricing in procurement service,” ani Drilon

 

 

Si Lao ang dating pinuno ng procurement service ng DBM na ayon kay Drilon ay nanahimik buhat nang magbitiw sa puwesto noong Hunyo 2021.

 

 

Kung totoo umanong nagkaroon ng overpricing ay dapat ipaliwanag ni Lao o posibleng sangkot siya rito.

 

 

May posiblidad aniya na umabot sa P1 bilyon ang overpricing sa pagbili ng face mask at face shields.

 

 

Ayon kay Drilon, bu­mili ang DBM-PS ng 113,904,000 piraso ng face mask mula sa iba’t ibang supplier sa mataas na presyo kung saan uma­bot pa ito sa P27.72 bawat isa.

 

 

Ang nasabing halaga ay mataas umano ng P2 hanggang P5 sa sugges­ted retail price (SRP) na inilabas ng DOH.

 

 

Nakasaad sa report  ng COA na nagkakaha­laga naman ng P120 kada pira­so ang biniling 1,317,711 face shield ga- yong sa SRP ng DOH ito ay dapat P26 hanggang P50 lamang. (Daris Jose)

Other News
  • VP Sara, tumangging manumpa sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability

    DUMATING sa unang pagdinig kahapon ng House Committee on Good Government and Public Accountability sa naging paggamit ng pondo ng opisina ni Vice President Sara Duterte.   Bukod sa Office of the Vice President (OVP), iniimbestigahan din ng komite kung papaano ginamit ng Department of Education ang pondo nito nang kalihim pa ng departamento si […]

  • Kalituhan sa payment scheme, sanhi ng trapik sa Skyway 3

    Ang kalituhan sa payment scheme o paraan ng pagbabayad ng toll ang naging sanhi nang pagkakaroon ng mabigat na daloy ng trapiko sa Skyway Stage 3 noong Lunes.     Ayon kay Manuel Bonoan, pangulo at CEO ng Skyway Operations and Maintenance Corp., ang masikip na daloy ng trapiko ay nagsimula sa unang araw nang […]

  • Kelot kalaboso sa pananakit at panghahablot ng cellphone

    SWAK sa kulungan ang isang 21-anyos na snatcher matapos hablutin ang mobile phone ng isang dalaga at sinamapak pa ang nagmalasakit na vendor Martes ng hapon sa Malabon City.     Nabawi ng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 2 sa suspek na si Syruz Bronuela, residente ng No. 10 Lingkod Nayon, Brgy. Tugatog ang […]