• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cool muna tayo- Sec. Roque

PINAYUHAN ng Malakanyang ang publiko na manatiling kalmado at mangyaring hintayin na lamang ang pinal na report ng Commission on Audit (COA) matapos mapaulat na nakitaan ng komisyon ng ilang umano’y kakulangan sa tamang panghawak ng Department of Health (DoH) sa pondo para sa pandemya.

 

“‘Yung mga initial observation, nasasagot po iyan ng mga ahensiya .

 

 

So, sa ngayon po, ang aking advice, cool muna tayo dahil sa puntong ito ay pupuwedeng sagutin at hintayin ang final reports,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Sa ulat ng COA, sinasabing kabilang sa kanilang natuklasan ang higit P5 bilyong halaga ng mga binili ng ahensiya na walang kaukulang dokumento at higit P194 milyon na hindi umano pabor sa gobyerno.

 

Tinatayang higit P1.45 bilyong donasyon naman ang wala ring sapat na dokumento.

 

Nasa higit P69 milyon din umanong medical equipment at supplies ang na-procure pero hindi nagamit o hindi agad nagamit dahil sa mga dahilang maiiwasan naman kung nasundan nang maayos ang procurement planning, ayon sa COA.

 

“This condition affects the utilization of COVID-19 funds vis-a-vis the agency’s implementation capabilities and its response to the urgent healthcare needs during the time of state of calamity/national emergency,” sabi ng COA sa pahayag.

 

Samantala, ginarantiya naman ni Sec. Roque sa publiko na maayos na ginagamit ng pamahalaan ang public funds lalo na sa gitna ng umiiral na Covid-19 pandemic.

 

“Walang kaduda-duda, ginagamit sa tama ang pondo kasi iyan ang marching order ng Presidente,” anito.

 

Pinanindigan din nito ang sinabi ng Pangulo na hindi ito magdadalawang-isip na sibakin ang mga empleyado ng pamahalaan na masasangkot sa irregular activities.

 

“Hindi siya mag-aatubiling tanggalin kahit sino man kung mayroon pong bahid ng korapsyon,” giit ni Sec. Roque. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Kapalaran’ ni GARY, bagay na bagay sa themesong ng ‘FPJ’s Batang Quiapo’ kaya napili ni COCO

    SA celebrity screening ng pilot episode ng ‘FPJ’s Batang Quiapo’ namin unang narinig ang bagong version ni Gary Valenciano ng ‘Kapalaran’ na pinasikat noong ’70s ni Rico J. Puno, na may kurot sa puso habang pinakikita ang mabigat na eksena ni Miles Ocampo na kung saan nanganganak siya sa loob ng isang palengke.     […]

  • Lim kinabog ang karatista ng Turkey sa isang praktis

    Mukhang maganda ang tinatahak ni 32nd Summer Olympic Games 2020 karate hopeful Jamie Christine Lim at mga kasama sa national team na naghahanda para Olympic Qualifying Tournament sa Paris, France sa darating na Hunyo 11-13.     Base ito sa latest Instagram post ng 2019 Philippine Southeast Asian Games women’s kumite +61-kilogram gold medalist at […]

  • 2 kalaboso sa patalim at shabu sa Valenzuela

    KULUNGAN ang kinasadlakan ng dalawang hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang ginang matapos maaresto sa magkahiwalay na drug operation ng pulisya sa Valenzuela City.     Base sa report ni PSSg Ana Liza Antonio kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-12:10 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug […]