• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DepEd, magpapatupad ng enhanced enrollment para sa 2021-2022 school year

Opisyal ng naglabas ang Department of Education (DepEd) ng enrollment guidelines para sa nalalapit na pagsisimula ng school year 2021-2022 sa gitna pa rin ng nararanasang COVID-19 pandemic sa bansa.

 

 

Sa bisa ng DepEd Order No. 32 series of 2021 na pirmado ni Education Sec. Leonor Briones nakapaloob ang bagong guidelines na layuning mabigyan ng options ang mga paaralan sa buong bansa na magpatupad ng “enhanced ” enrollment process alinsunod sa guidelines na itinakda ng IATF at ng DOH.

 

 

Ipinaliwang ng kalihim na ang naturang enhanced enrollment guidelines ay magiging gabay ng mga magulang, legal guardians at mga guro para sa enrollment ng mga estudyante para sa pagbubukas ng partikular na school year.

 

 

Nakasaad sa bagong guidelines na dapat ay remote lamang ang enrollment sa mga lugar na nakasailalim sa ECQ at Modified Enhanced Community Quarantine para mamintina ang physical distancing habang ang mga nasa lugar na may maluwag na quarantine classification naman ay maaaring pisikal na magsumite ng Modified Learner Enrollment and Survey Form sa mga paaralan.

 

 

Ang mga itatalagang guro at non-teaching personnel sa mga paaralan para mangasiwa sa enrollment ay kailangan na bakunado at maaari rin na mag-organisa ng dropbox enrollment method kapareho ng ginawa noong nakaraang school year.

 

 

Para naman sa enrollment ng mga mag-aaral sa Grades 1-6, 8-10, at Grade 12, isasagawa ang remote enrollemnt procedure kung saan tatawagan na lamang ng mga advisers ang mga magulang para sa enrollment o maaaring ang magulang ang kumontak sa adviser ng kanilang anak.

 

 

Inaabisuhan naman ang mga magulang ng mga estudyante na mag-i-enroll sa kindergarten, Grades 7 at Grade 11 na makipag-ugnayan sa paaralan na may option na magpa-enroll sa pamamagitan ng digital o physical enrollment platform.

 

 

Para naman sa mga transferees, kailangan na direktang tumawag sa kanilang lilipatang eskwelahan.

 

 

Magsisimula ang enrollment period sa August 16 hanggang September 13 na unang araw ng klase na inaprubahan ng Pangulong Duterte.

Other News
  • Labor Day: ‘Duterte Legacy: Barangayanihan Caravan’ culminating activity, isinagawa

    KASABAY sa paggunita sa “Labor Day” ngayong araw, May 1, isinagawa rin ang culminating activity ng “Duterte Legacy: Barangayanihan Caravan.”     Pinangunahan ito ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP), kasama ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.     Ginanap ang nasabing aktibidad […]

  • ‘Amazing performance’ ni Steph Curry na may 50-pts nagpanalo sa Warriors vs Hawks

    Nagbuhos ng 50 points ang NBA superstar na si Stephen Curry upang itumba ng Golden State Warriors ang Atlanta Hawks sa iskor na 127-113.     Umabot din sa siyam na three points shots ang naipasok ng two-time MVP at walang sablay sa free throw line.     Liban nito nagtala rin si Curry ng […]

  • After six years, dumating na ang ‘right time’… FAITH, inalala na nag-audition noong 2016 sa ‘Encantadia’ pero ‘di nakuha

    THANKFUL ang DragRace PH season 1 contestant na si Turing na napasama siya sa ‘Black Rider’ bilang pag-represent niya sa LGBTQIA community sa naturang serye.       Hindi raw glamourised drag queen ang role ni Turing, kundi tindera siya sa palengke named Cherry Pie kunsaan lagi niyang kasama sa eksena si Yassi Pressman at […]