YORME ISKO NAKALABAS NA NG OSPITAL
- Published on August 26, 2021
- by @peoplesbalita
NAKALABAS na ng ospital si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso matapos ang kanyang sampung araw na quarantine.
Ang alkalde ay dinala sa Sta. Ana Hospital dahil nagpositibo sa COVID-19 kung saan nakaramdam ng mga sintomas tulad ng sipon, ubo at pananakit ng katawan.
Sa ika-limang araw nito sa ospital, nawalan ito ng panlasa at pang-amoy bagama’t bumubuti naman ang kanyang kondisyon.
Maaalala na inanunsyo ng alkalde noong August 15 na positibo ito sa COVID-19 at agad na nagpadala sa ospital bilang bahagi na rin ng health protocol na ipinatutupad ng gobyerno.
Pinasalamatan naman ng alkalde ang mga hospital staff na walang sawang nakasubaybay, nakabantay sa kanyang kalusugan habang siya ay naka-quarantine ng ilang araw.
Binigyan din ito ng certificate na patunay na siya ay isang COVID-19 survivor.
Bagama’t nakalabas na ng ospital, bubunuin pa ng alkalde ang nalalabing tatlong araw nitong home quarantine.
Paalala naman ng alkalde sa publiko, mag-ingat at lagi tandaan ang pagsunod sa minimum public health standards upang makaiwas na mahawaan o magsakit ng COVID-19 lalo na ngayong pinalala pa ito ng Delta variant sa bansa. (GENE ADSUARA)
-
Ads April 22, 2023
-
Ads September 21, 2022
-
Online transactions ng PNP-FEO balik normal na
BALIK na ang online transactions ng Philippine National Police-Civil Security Group’s online system. Ito ay matapos na naayos na nila ang naganap na data breach noong Mayo 17. Sinab ni CSG spokesperson Lt. Col. Eudisan Gultiano, na matitiyak na ngayon na ang Firearms and Explosives Office (FEO) […]