Duterte ‘di tatakbo sa 2022 polls kung matutuloy ang presidential bid ni Mayor Sara – Nograles
- Published on August 26, 2021
- by @peoplesbalita
Handa umano si Pangulong Rodrigo Duterte na huwag nang ituloy ang kanyang pagtakbo sa pagka-bise presidente sa halalan sa 2022.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles sa isang panayam, ito ang magiging desisyon ni Pangulong Duterte sakali namang ituloy ni Davao City Mayor Sara Duterte ang presidential bid nito.
Ayon kay Nograles na binanggit na ito ni Pangulong Duterte sa kanilang pulong kagabi, pero hindi naman matandaan kung ano talaga ang eksaktong sinabi nito.
Dipensa ni Nograles, na-cut ang bahagi ng pahayag na ito ng pangulo sa kanyang “Talk to the People” na inere kagabi.
Magugunita na katulad sa mga nakalipas na public address ni Pangulong Duterte, ang “Talk to the People” nito ay pre-recorded lamang din. (Daris Jose)
-
Pre-Christmas tradition ng Santo Papa, kinansela dahil sa banta ng COVID-19
Kinansela ni Pope Francis ang kaniyang taunang tradisyon na pre-Christmas rite sa darating na Disyembre 8 dahil sa COVID-19 restriction. Ayon sa Vatican, na hindi muna isasagawa ng Santo Papa ang wreath laying ng bulaklak sa base ng 12-meter column katabi ang statue ni Madonna. Nagdesisyon ang Vatican na hindi na isagawa ni […]
-
Pagpapaliban ng Brgy., SK polls sa Disyembre 2023, aprub sa House
INAPRUBAHAN ng House committee on suffrage and electoral reforms ang mosyon na ipagpaliban ang halalan para sa barangay at Sangguniang Kabataan na nakatakdang gawin ngayong Disyembre 5, 2022. Sa pagdinig ng komite, isinuwestiyon ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr. na magkaroon muna ng consensus kung ipagpapaliban o hindi ang nalalapit na halalan bago […]
-
DHSUD, muling inulit ang babala kontra scammers gamit ang 4PH
MULING inulit ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang babala nito laban sa mga walang konsiyensyang indibiduwal at grupo na ginagamit ang Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing (4PH) Program para mag-solicit ng cash o pera mula sa ‘unsuspecting victims.’ Muling nagpalabas ng babala si DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar […]