KASO NG DELTA VARIANT, NADAGDAGAN PA
- Published on August 26, 2021
- by @peoplesbalita
SA patuloy na pagtukoy ng mga variant of concern at variant of interest ng Philippine Genome Center (PGC) , ngayong araw ay muling nakapagtala bg karagdagang 466 Delta variant (B.1.617.2) .
Mayroon ding natukoy na 90 Alpha (B.1.1.7) variant cases, 105 Beta (B.1.351) variant cases, at 41 P.3 variant cases sa huling batch ng whole genome sequencing.
Ayon sa DOH kabuuang 746 samples ang isinumite ng 62 collecting institutions at iba’t ibang Centers for Health Development (CHD) ang na-sequence.
Local cases ang 442 , at 14 are Returning Overseas Filipinos (ROF), habang 10 cases ang biniberipika.
Sa local cases, 201 ang may address na NCR, habang 69 ang may address na Central Luzon, 7 sa Cagayan Valley, 49 kaso sa CALABARZON, 14 kaso sa MIMAROPA, 4 sa Bicol Region, 52 sa Western Visayas, 19 sa Central Visayas, 6 sa Northern Mindanao, 11 sa Davao Region, 7 sa SOCCSKSARGEN, at 3 sa Ilocos Region. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Tiyak na miss na miss na nila ang isa’t-isa: RURU, super sweet sa pagpapadala ng red roses kay BIANCA kahit nasa South Korea
TIYAK na miss na miss na nina Bianca Umali at Ruru Madrid ang isa’t isa, dahil matagal-tagal na ring nasa South Korea si Ruru na nagti-taping ng “Running Man PH.” Kaya naman parehong nag-“i miss you” ang dalawa sa kani-kanilang Instagram post, matapos padalhan ni Ruru ng isang bouquet of Ecuadorian red roses […]
-
Swab test ‘di aalisin – Red Cross
Kahit pa maaprubahan ang paggamit ng saliva test sa pagtukoy ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa, ay hindi pa rin aalisin ng Philippine Red Cross (PRC) ang swab test dahil ito ang itinuturing na gold standard sa COVID-19 testing. Ito ang nilinaw ni Dr. Paulyn Rosell-Ubial, head ng Biomolecular Laboratories ng PRC, kaugnay […]
-
Mga telco sa bansa, wala nang lusot para manatiling pangit pa rin ang serbisyo ngayong may Bayanihan act 2- Malakanyang
WALA nang puwedeng idahilan para makalusot ang mga telecom companies para hindi gumanda ang kanilang serbisyo ngayong may Bayanihan act 2 na. Kabilang kasi sa nilagdaang batas ay ang pagbibigay ng special powers kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung saan ay pansamantalang sinuspinde ang requirements para makakuha ng permits at clearances sa pagtatayo ng […]