• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Manny puno ng pasasalamat

Sa kabila ng kabiguan kay World Boxing Association (WBA) welterweight champion Yordenis Ugas, walang ibang bukambibig si Manny Pacquiao kundi pasasalamat.

 

 

Sa kanyang bagong post sa social media, nagpasalamat ito sa Panginoon sa paggabay nito sa kanyang laban noong Linggo sa Las Vegas, Nevada.

 

 

“I want to thank God for giving me the strength to fight,” ani Pacquiao.

 

 

Sa katunayan, mada­ling-araw na nakapagpa­hinga si Pacquiao matapos ang laban kung saan alas-4 ng umaga na ito nakatulog.

 

 

Subalit gumising ng alas-9 ng umaga si Pacquiao kasama ang kanyang pamilya para dumalo sa isang misa.

 

 

Patuloy din ang pasasalamat ni Pacquiao sa kanyang pamilya na kasama nito sa hirap man o ginhawa.

 

 

Muling nagpaabot ng congratulatory message si Pacquiao kay Ugas sa tagumpay nito.

 

 

Sa huli, pinasalamatan din ni Pacquiao ang milyun-milyong boxing fans sa buong mundo na sumuporta at nanood ng kanyang laban.

 

 

Ipinagmalaki ni Pacquiao na malaking kara­ngalan para sa kanya na muling iwagayway ang bandila ng Pilipinas sa buong mundo upang ipamalas ang husay ng isang Pinoy.

 

 

“Thank you to the fans all around the world who were watching. Thank you to every Filipino that has ever supported me. I’m so proud to represent my country. I’m sorry I could not give you a win, but I did my very best. From the bottom of my heart, THANK YOU! God bless you all,” pagtatapos ni Pacquiao.

Other News
  • PNP isinumite na ang mga hawak na ebidensiya sa NBI re Commowealth ‘misencounter’

    Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na boodle money na nagkakahalaga ng P1-million pesos ang kanilang narekober sa madugong misencounter sa Commonwealth sa pagitan ng PNP at PDEA.     Ayon kay PNP Crime Laboratory Deputy Director BGen. Robert Rodriguez, nakarekober ng PNP SOCO ng P1 million boodle money sa isang van na ino occupy […]

  • Direktiba ng DoJ na imbestigahan na ang iligal na importasyon ng covid vaccine, natanggap na ng NBI

    Natanggap na ng National Bureau of Investigation (NBI) Special Action Unit ang direktiba ng Department of Justice (DoJ) na umpisahan na ang imbestigasyon sa hindi umano otorisadong paggamit ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine dito sa bansa.     Inatasan nga ni Justice Sec. Menardo Guevarra si NBI Officer-in-Charge (OIC) Eric B. Distor na magsagawa […]

  • Pacquaio vs Garcia pinaplantsa

    SA matunog na upakan nina eight-division world men’s boxing champion Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao at World Boxing Council (WBC) interim lightweight champion Ryan Garcia nitong mga nagdaang linggo, ibinunyag naman nitong Biyernes ni MP Promotions President Sean Gibbons ang pagsisimulan ng usapan negosasyon ang dalawang kampo.     “They are ongoing and hopefully things will workout,” […]