• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, atras sa pagtakbo bilang bise-presidente kapag tumakbo si Mayor Sara sa Eleksyon 2022

KINUMPIRMA at nagbigay linaw ang Malakanyang sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang Talk to the People kagabi na kung tatakbo si Davao City Mayor Sara Duterte ay hindi siya tatakbo bilang bise-presidente sa Eleksyon 2022.

 

“Lilinawin ko lang po na kagabi nagsalita ang presidente ang sabi niya kung tatakbo si Mayor Sara Duterte, out siya at out din po si Senator Bong Go,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

“If  I were to quote him, “Should Sara decide to run, Bong Go is out. For my part, dahil delicadeza, hindi po puwede dalawa kami diyan, if she runs, out na rin ako, so ‘yun po ang sinabi niya,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Malinaw  na sinabi ng Pangulo na kung hindi tatakbo si Mayor Sara sa pagka-pangulo ay tatakbo siya bilang bise-presidente.

 

“Pero ang talagang sagot po ay, tatakbo ba siya bilang vice president? ang sagot ay hindi kung tatakbo po si Mayor sara duterte sa pagka presidente. Tatakbo siya kung hindi tatakbo si Mayor Sara,” aniya pa rin.

 

Ang katwiran ng Pangulo sa bagay na ito ay “por delicadeza”.

 

Hindi puwedeng dalawa silang Duterte na tatakbo sa halalan sa susunod na taon.

 

Samantala, sigurado naman si Sec. Roque na pag-uusapang mabuti ng ruling party PDP-Laban ang bagay na ito.

 

“Hahayaan ko ang PDP-Laban dahil hindi naman ako kabahagi ni PDP-Laban,” ani Sec. Roque. (Daris Jose)

Other News
  • Luke 6:8

    Give, and you will receive.

  • Ads March 6, 2024

  • PDu30, napanatili ang mataas na approval, trust ratings

    NAPANATILI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang “high approval at trust scores” sa third quarter habang papalapit na ang election season sa Pilipinas.   Ito ang lumabas sa third quarter survey ng political consultancy firm.   Ayon sa PUBLiCUS Asia Inc.’s Oct. 11 to 18 poll, nakapag- rehistro si Pangulong Duterte ng overall approval rating […]