Duterte-Duterte ticket sa Eleksyon 2022, walang pag-asa- Sec. Roque
- Published on August 27, 2021
- by @peoplesbalita
WALANG pag-asa na magkaroon ng Duterte-Duterte ticket sa Eleksyon 2022.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque kung pagbabasehan ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ‘out’ na sila ni Senador Bong Go kapag nagdesisyon ang kanyang anak na si Mayor Sara Duterte-Carpio na tumakbo sa pagka-pangulo sa halalan sa susunod na taon.
“Well, unang una, I will quote the words of the President, dahil sinulat ko po ‘yan as he was speaking, I quote, “Kung tatakbo si Mayor Sara, Bong will not run for president. If Sara runs, out na rin ako because of this delicadeza. Hindi pupuwedeng dalawa kami diyan. So iyon po ang mga binanggit na salita ni Presidente. Iyong ipinakita po [kagabi] ay kung hindi nga tatakbo si Mayor Sara. But I think ang naging mensahe ng Presidente, it’s the call of Mayor Sara Duterte, if she runs, then Sen. Bong Go and he will not run,” litanya ni Sec. Roque.
At sa tanong kung kailan malalaman ang pinal na posisyon ng Pangulo sa usaping ito ay sinabi ni Sec. Roqu na depende na iyon kay Mayor Sara.
“But in the words of the President, if Mayor Sara decides to run, then she will be the candidate. At dahil nga po sa delicadeza, wala pong pag-asa ang Duterte-Duterte ticket,” aniya pa rin.
Samantala, tiniyak naman ni Sec. Roque na hindi makaaapekto ang mga election issues sa COVID-19 response ng pamahalaan.
Sa katunayan aniya ay tuloy-tuloy ang ginagawang pagbabakuna ng gobyerno.
Bukod pa sa tuloy-tuloy pa rin aniya ang pag-eengganyo ng pamahalaan sa lahat ng mga mamamayang filipino na “mag-prevention, detection, isolation, treatment, and reintegration.”
” So ibig sabihin po, bagama’t hindi natin mapo-postpone ang eleksyon dahil iyan po ay nakaukit sa Saligang Batas, tuloy-tuloy pa rin po ang ating COVID-19 responses. At ang pangako nga po natin, gagawin natin ang lahat para ma-achieve ang population protection by December of this year,” ayon kay Sec. Roque. (Daris Jose)
-
Pagpaslang sa human rights activist na si Zara Alvarez, kinondena ng Malakanyang
MARIING kinondena ng Malakanyang ang pagpaslang sa human rights activist na si Zara Alvarez sa Bacolod nitong Lunes. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque na walang puwang sa sibilisadong lipunan ang karahasan partikular na ang pagpatay sa mga aktibista. Kaya nga aniya, kaagad na iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang insidente. Sa ngayon ay makabubuting […]
-
WORST SCENARIO, HANDA ANG MAYNILA
TINIYAK ni Manila Mayor Isko Moreno na nakahanda ang pamahalaang Lungsod ng Maynila sa “worst possible scenario’ ng COVID-19. Sinabi ni Domagoso na sa nagdaang dalawang linggo ginagawa na ng pamahalaang lungsod ang 24/7 monitoring at pagpapaigting ng contact tracing upang mapigil ang pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa Maynila. “[We are […]
-
PAGBABA NG KASO NG COVID WALA PANG SENYALES
HINDI pa nakikitaan ng pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas at ang mas mababang bilang ng impeksyon na naitala nitong Martes ay dahil sa mababang testing output, ayon sa Department of Health (DOH). Paliwanag ni Health Secretary Francisco Duque na galing ang output sa ginawang testing noong Linggo kung saan karaniwang […]