MATAAS ANG KASO NG COVID PERO BUMABA ANG SEVERE AT CRITICAL
- Published on August 28, 2021
- by @peoplesbalita
BAGAMA’T tumataas ang mga kaso ng COVID-19 sa maraming lugar sa bansa, bumababa naman ang severe at critical cases, ayon sa isang opisyal ng Department of Health (DOH).
Gayunman, aminado si treatment czar at DOH Usec Leopoldo Vega na tumaas ang COVID cases sa Region 2,3, 4A, NCR , 7 at 10.
Tumaas naman sa 72% hangang 73% ang COVID intensive care unit o ICU utilization o paggamit ang paggamit ng ICU.
Aniya ang Metro Manila ay nasa moderate risk pero hindi naman ganun kadami ang pasyente kung ikukumpara sa nakaraaang wave na kung saan napupuno ang ICU.
Sinabi ng opisyal na maaring ito ay dahil sa bakuna at pinag-igting na mga pag-iingat at mga hakbang.
“Tumataas ‘yung kaso pero yung severe, critical cases po eh nasa 1.86% compared ho sa mga 3-4% na dati talagang dumadaan na wave , kaya medyo siguro pwede natin ma-speculate na baka nga namang ano na’to, ito na yung dahilan dahil sa bakuna at sa talagang ano natin intensified preventive aspects”pahayag pa ng treatment czar.
Dagdag pa nito, kung titignan ang active cases, 98% ang mild, asymptomatic at moderate cases.
Nasa 92% naman ang gumaling na sa COVID-19. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Pasahe sa jeep, posibleng umabot sa P50
NANGANGAMBA ang isang commuters group na posibleng umabot sa P50 ang pasahe kung tuluyang mapapalitan ng mga modernong public utility vehicles (PUVs) ang mga tradisyunal na jeepney. Ayon kay Julius Dalay, chairman ng Commuters of the Philippines, inaasahan na nilang magiging malaki ang epekto sa pasahe ng PUV Modernization Program (PUVMP) na isinusulong […]
-
‘Pinas, hindi isusuko ang West Philippine Sea
TINIYAK ng Malakanyang sa publiko na hindi nito isusuko ang kahit na nag-iisang pulgada ng teritoryo ng bansa kabilang na ang inaangkin nitong bahagi ng South China Sea. Ang pahayag na ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay matapos akusahan ng China ang Pilipinas ng illegal provocations sa pinagtatalunang South China Sea. Ani Sec. […]
-
Ads April 24, 2024