Olympian Carlo Paalam dinalaw ang kasamahang amateur boxers sa CdeO
- Published on August 31, 2021
- by @peoplesbalita
Naglaan ng isang simpleng pagtitipon si 2020 Tokyo Olympics silver medalist Carlo Paalam sa mga boksingero ng Cagayan de Oro City Amateur Boxing Team kung saan siya nagmula.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na muling nakasama ni Paalam ang kanyang mga kapwa boksingero matapos nagwagi sa Tokyo Olympics.
Ikinuwento ni Paalam ang kanyang mapait na nakaraan at karanasan sa buhay kung saan kumukuha lamang ng basura upang makayanan lamang ang pang-araw-araw na pagkain ng kanyang pamilya.
Dagdag nito, hindi madali ang kanyang buhay ngunit nagbago ang lahat nang umabot siya sa edad na siyam matapos na ma-recruit ni coach Elmer Pamisa sa amateur boxing program.
Kaya naman, pinayuhan ni Paalam ang mga kapwa boksingero na walang imposibleng makamit ang kanilang mga pangarap at mithiin sa buhay kung magkaroon lamang ng sipag, pagsisikap at disiplina sa sarili.
Ang tagumpay ni Paalam sa Olympics ay tagumpay din para sa koponan ng amateur ng Cagayan de Oro at nagsilbing inspirasyon sa iba pang mga boksingero.
-
Pinangunahan ni PBBM: KADIWA ng Pangulo, inilunsad na sa Cebu City
OPISYAL nang inilunsad sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos ang “KADIWA ng Pangulo” sa Cebu City na layuning maipagpatuloy ang pagbibigay ng murang bilihin sa mga mamimili. Sa naging talumpati ng Pangulo, sinabi nitong naging popular ang Kadiwa ng Pasko at hinahanap aniya ito ng mga tao kaya’t minarapat nilang ipagpatuloy ang […]
-
Nic Cage, Battles Possessed Animatronics in ‘Willy’s Wonderland’
FANS of Nicolas Cage and the Five Nights at Freddy’s video game franchise will have a new film to look forward to this February 12, 2021. The first trailer for the upcoming horror film Willy’s Wonderland has been released and it pits Nic Cage against possessed animatronic mascots, just like in the video games. But instead of […]
-
Meralco, may rollback sa singil ng kuryente ngayong buwan ng Mayo
INANUNSIYO ng Manila Electric Company (Meralco) ang pagpapatupad ng rollback sa singil ng kuryente para ngayong buwan ng Mayo. Ito ay kasunod ng dalawang buwang trend ng mataas na electricity rate matapos na ipag-utos ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang pag-refund ng nasa P7.8 billion mula sa excess collections makaraan ang isinagawang validation […]