• April 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bulacan, kaisa ng bansa sa pag-obserba ng DPRM 2021

LUNGSOD NG MALOLOS – Upang pataasin ang kamalayan ng mga Bulakenyo sa kahalagahan ng policy research sa pagpapaunlad ng bansa, makikiisa ang Lalawigan ng Bulacan sa obserbasyon ng 19th  Development Policy Research Month (DPRM) sa darating na buwan ng Setyembre na pinangungunahan ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na may tema ngayong taon na “Muling Magsimula at Magtayo Tungo sa Mas Matatag na Pilipinas Pagkatapos ng Pandemya”.

 

 

Layon ng obserbasyon sa taong ito na talakayin ang pangangailangang i-reset ang mga nakasanayang mga gawi upang maitaguyod muli ang Pilipinas pagkatapos ng pandemyang COVID-19 at lumikha ng isang mas mahusay na bansa sa pamamagitan ng pagbabalanse ng interes ng mga tao, kita o pagbibigay ng pantay na kahalagahan sa ekonomiya, lipunan at kapaligiran.

 

 

Bilang paraan ng pakikiisa at pagpapakita ng suporta, hinihimok ng PIDS ang bawat lokal na pamahalaan, mga ahensiya, organisasyon at iba pa na i-display ang pisikal o electronic banner ng DPRM sa kanilang mga tanggapan at opisyal na website at sa pag-follow sa kanilang social media pages para sa mga karagdagang mga anunsyo at update.

 

 

Isang virtual kick-off forum din ang isasagawa sa Setyembre 2, 2021, ganap na ika-9:00 ng umaga sa pamamagitan ng Cisco Webex na ipalalabas din sa publiko sa Facebook page ng Philippine Institute for Development Studies na dadaluhan ng mga panelista mula sa iba’t ibang sektor upang magbahagi ng kanilang kaalaman sa nasabing tema habang ang 7th Annual Public Policy Conference (APPC) naman ay isasagawa sa pamamagitan ng webinar na may apat na bahagi na gaganapin sa Setyembre 14, 16, 21 at 23, sa ganap na ika-9:00 ng umaga.

 

 

Samantala, inihayag naman ni Gob. Daniel R. Fernando ang kanyang pagsuporta sa layunin ng DPRM lalo na at bibigyang pansin nito ang epektibong pagpaplano at paggawa ng mga patakaran na makatutulong hindi lamang sa lalawigan kundi maging sa buong bansa.

 

 

“Taun-taon ay napakaganda at napakahusay ng layunin ng DPRM; lalo na ngayong taon kung saan ay tatalakayin ng lubusan ang pagsasaayos ng mga pamamaraan sa pagpapabuti ng ating bansa ngayong tayo ay kasalukuyang dumaranas ng pandemya. Mahalagang mabuksan ang kamalayan ng publiko sapagkat ang pagbabago ay nagsisimula sa bawat isa sa atin,” anang gobernador.

 

 

Ang buwan ng Setyembre bawat taon ay idineklarang Development Development Research Month (DPRM) alinsunod sa Proklamasyon Blg. 247 ng Malacañang noong Setyembre 2002 na nagbibigay diin sa kahalagahan ng pagsasaliksik sa kaunlarang sosyo-ekonomiko ng bansa. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Kung plantsado na ang kasal nina Shaira at EA: LEXI, three years palang karelasyon si GIL kaya ‘di nagmamadali

    KUNG plantsado na ang kasal nina Shaira Diaz at EA Guzman sa 2026, hindi naman nagmamadali sina Lexi Gonzales at Gil Guerva.         Tatlong taon na ngayon ang relasyon ng dalawa pero ayon kay Lexi…       “I think it’s because we’re just taking it easy, kasi we’re not rushing into […]

  • ‘Candyman’ Reboot from Producer Jordan Peele Unveils New Unsettling Trailer

    THE upcoming horror film Candyman from director Nia DaCosta and producer Jordan Peele has just revealed a new trailer.     Watch below: https://www.youtube.com/watch?v=TPBH3XO8YEU     The new horror film centered on a painter becomes obsessed with the urban legend of the hook-handed killer, the Candyman.     Candyman is a reboot of the 1992 film of the […]

  • 74.5K PDLs, pinalaya mula sa BJMP-run jails sa unang 10 buwan ng 2023

    MAY kabuuang  74,590 persons deprived of liberty (PDLs) ang pinalaya mula sa prison facilities na pinatatakbo ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) mula Enero hanggang Oktubre ngayong taon.     Bahagi ito ng inisyatiba na paluwagin ang mga kulungan sa bansa.     Sa isa ng kalatas, sinabi ni  Department of the Interior […]