• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Local deaths sa Pinas dahil sa respiratory disease mas mababa kumpara sa ibang bansa-PDu30

SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mas mababa ang local deaths ng Pilipinas dahil sa respiratory disease kumpara sa ibang bansa.

 

Ito’y sa kabila ng naitalang bagong record ng COVID-19 cases ng Pilipinas.

 

“Hirap ang America ngayon. Ang Europe is suffering from a—maraming mas namatay; Turkey, marami ang patay; Saudi Arabia, mas marami ang patay,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang taped national address.

 

“Ito, atin, hawa lang. Ang patay natin, hindi masyado ganoon karami,” aniya pa rin.

 

Tinatayang may 33,333 katao na sa Pilipinas ang sumuko sa COVID-19.

 

Kinumpirma naman ng Pilipinas ang “highest ever single-day tally” ng bagong kaso na pumalo sa 22,366, na tumaas sa kabuuang confirmed infections na 1.97 million.

 

Batid naman ni Pangulong Duterte ang pangangailangan na “recalibrate our response” kung ang pagtaas ng COVID-19 cases ay bunsod ng “highly infectious variant” ng sakit.

 

“We are also evaluating whether granular or localized lockdowns would work best in our current situation. Kailangan pag-aralan ito ng task force,” anito.

 

Samantala, hinikayat naman ni Pangulong Duterte ang publiko na manatili sa health standards at magpabakuna laban sa novel coronavirus sa lalong madaling panahon.

 

Nahaharap ngayon ang Duterte administration sa Senate inquiry sa kung paano ginasta ang pandemic funds.

 

“The country had “nothing” in supplies when the pandemic erupted” ayon sa Pangulo.

 

“The same people criticizing today are the same people telling us last year that we were too slow and we’re not prepared,” dagdag na pahayag nito sabay sabing “Sino bang prepared, preparado nito? America? Name a country that is prepared, mag-resign ako.” (Daris Jose)

Other News
  • Skyway 3 mananatiling bukas

    Matapos ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng San Miguel Corp. (SMC) at Toll Regulatory Board (TRB) dahil sa di umano ay isang pahayag ng huli na magkakaron ng walang katapusang pagsasara ang Skyway 3.     Subalit sa isang inilabas na opisyal na pahayag noong March 16 ng TRB ang sinasabing walang katapusang pagsasara ng […]

  • Bicol pinalubog ni ‘Kristine’: 7 patay!

    PINALUBOG ng bagyong ‘Kristine’ ang Bicol region na nagresulta sa pagkamatay ng pito katao habang libu-libo ang inilikas , Miyerkules.   Sa ulat ni PNP-Bicol chief, PBGen. Andre Dizon, ang mga naitalang nasawi ay mula sa Naga City, bayan ng Palanas sa Masbate at sa Bagamanoc sa Catanduanes habang mula naman sa Paracale town sa […]

  • Pagbati buhos para kay EJ Obiena kahit nabigo sa target na podium finish

    Patuloy ang pagbuhos nang pagbati mula sa maraming kababayan kay EJ Obiena sa kabila nang pagkabigo nitong umabot sa podium finish sa finals ng pole vault event na ginanap sa Tokyo National Stadium.     Una rito, nabigong maitawid ni Obiena hanggang sa ikatlo niyang attempt ang 5.80 meters.     Bago ito ay na-clear […]