15,331 kabataang Bulakenyo, tumanggap ng tulong pinansyal
- Published on September 3, 2021
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS – Hanggang Agosto 20, 2021, may kabuuang 15,331 Bulakenyong iskolar ang tumanggap ng kanilang scholarship grant mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gob. Daniel R. Fernando sa ilalim ng Tulong Pang-Edukasyon Gabay ng Bagong Henerasyon Scholarship Program.
Kabilang sa mga benepisyaryo ng nasabing iskolarsyip para sa 2020-2021 1st sem ay ang 3,707 estudyante mula sa Other School/Private Colleges kung saan tumanggap ang bawat estudyante ng tig-P3,500 bawat isa; 3,398 estudyante mula State, Universities at Colleges na nag-uwi tig-P3,000 bawat isa; 2,734 estudyante mula Senior High School (Public) at 1,543 estudyante mula sa Senior High School (Private) ang nakakuha ng P3,000 bawat isa; 320 esudyante ng Masteral at 40 na kumukuha ng Board Reviews ang nag-uwi ng tig-P5,000 bawat isa; 16 Academic students na mayroong tig-P5,500, habang pinagkalooban ang 3,573 learners ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na naka- enrol sa Bulacan Polytechnic College (BPC) ng ‘Katibayan ng Pagiging Iskolar’.
Ipinaabot naman ni Shulamite dela Peña, 3rd year Communication Arts na estudyante mula sa La Consolacion University, ang kanyang pasasalamat sa nasabing programa.
“Malaking tulong ang scholarship sa aming mga estudyante lalo na sa mga walang kakayahang magbayad ng tuition fee sa mga private school, gayundin sa mga mag-aaral sa public para sa mga gastusin sa mga project tulad ng thesis at iba pa,” ani dela Peña.
Samantala, ibinahagi naman ni Shirley Francisco, isa sa mga magulang ng mga iskolar, ang kanyang pasasalamat sa programa sa pamamagitan ng pag-komento sa opisyal PGB FB Page.
“Nakatataba po ng puso bilang isang ina na mapabilang ang anak sa programang ito, hindi lang po dahil sa pinansyal na tulong, mas higit po ang pakiramdam na nakaka-proud dahil ang anak ko ay nagiging modelo at inspirasyon ng kapwa niya kabataan/estudyante na nagsusumikap makapag-aral sa kabila ng pandemya. Maraming salamat po Lord. Sabi nga po ni Gob. Daniel, Ikaw ang tunay na dapat papurihan dahil may mga ginagamit kang tao para sa marami mong blessings,” aniya. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
LALAKI, NABANGGA AT MULING NAGULUNGAN SA MAYNILA
NAMATAY sa pinangyarihan ng insidente ang isang 36-anyos na lalaki nang nabangga ng isang motorsiklo at muling nagulungan ang ulo ng isa pang dumaan na nakamotorsiklo sa Tondo, Manila Biyernes ng mandating araw. Kinilala ang biktima na si Wilson Mallari, ng 2530 Jose Abad Santos, Tondo, Manila dahil sa malalang sugat sa katawan. […]
-
Chua nahugot ng NLEX sa Phoenix
NAGDAGDAG ng puwersa sa shaded lane ang NLEX matapos kunin si center Justin Chua mula sa Phoenix at ibinigay si forward Kris Porter bukod sa dalawang draft picks. Ang 6-foot-7 na si Chua ay nagtala ng mga averages na 5.3 points at 2.5 rebounds para sa kampanya ng Fuel Masters sa PBA Governors’ […]
-
Ipinagtanggol ng Choco Mucho si Deanna Wong sa ‘snubbing incident’
CHOCO Mucho management has broken its silence on the alleged snubbing incident involving the Flying Titans towards their fans while on vacation in Boracay. In a social media post on Monday, the management of the popular Premier Volleyball League (PVL) team leapt to the defense of its players who were at the receiving […]