DILG: 94% ng ECQ ayuda sa NCR, naipamahagi na
- Published on September 4, 2021
- by @peoplesbalita
Iniulat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na umaabot na sa 94.73% ang ayuda na natapos nang ipamahagi sa mga residente ng Metro Manila na naapektuhan ng enhanced community quarantine (ECQ) na ipinairal ng pamahalaan noong Agosto 6 hanggang 20.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya na umaabot na sa 10,663,537 recipients ang nakapag-claim ng kanilang social assistance mula sa mga local government units (LGUs) hanggang nitong Martes.
“As of yesterday (Martes), 94.73% na po ang ating naipamigay na ayuda sa ating mga kababayan,” ayon pa kay Malaya.
Ang mga residente aniya na dumudulog at humihiling sa mga grievance committees na maisama sila sa listahan ng mga benepisyaryo ang gagawing prayoridad dito.
Nilinaw naman ni Malaya na kailangan pa rin munang i-check ng LGUs kung kuwalipikado silang makatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan.
Matatandaang nagpatupad ang pamahalaan ng ECQ noong nakaraang buwan, bilang bahagi nang pagsusumikap na mapababa ang bilang ng mga taong mahahawahan ng COVID-19 sa rehiyon, partikular na ang Delta variant nito.
-
Nakitang suot na ang engagement ring: BEA, balitang nakipagbalikan na kay DOMINIC
NAGKAROON nga kaya ng balikan at muli nang isinuot ni Bea Alonzo once ang engagement ring nila ni Dominic Roque? Iyan ang tanong ng netizens nang mapansin ang suot na singsing ni Bea sa mga larawan na naka-post sa Instagram. Ang post ay isang video slideshow na makikita ang mga larawan […]
-
Bongbong admin ‘posibleng’ makipagtulungan kay Robredo
KUNG si Sen. Imee Marcos ang tatanungin, pwedeng makipagtulungan ang kapatid niyang si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa karibal at nakalabang si Bise Presidente Leni Robredo — aniya, “walang imposible.” Kilalang kritiko ng Martial Law at dikdatura ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. — ama nina Bongbong at Imee — si Robredo, […]
-
Pinay Muay Thai athletes nagbigay ng 1st gold medal para sa PH
UMEKSENA rin nitong araw ang Women’s Wai Kru Mai All-Female event ng Pilipinas matapos magbulsa ng gold medal. Ang team ay binubuo nina Islay Erika Bomogao at Rhichein Yosorez na nakapagtala ng score na 8.68. Samantala, nauwi naman sa silver medal ang kampanya ng Fencing Women’s Team ng Pilipinas na kinabibilangan […]