• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gordon, bahag ang buntot na maging paksa nang pagsisiyasat ng COA ang PRC

SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na takot si Senador Richard Gordon na maging paksa ang Philippine Red Cross (PRC) nang pagsisiyasat ng Commission on Audit (COA).

 

Ang pahayag na ito ng Pangulo ay sa gitna ng nagpapatuloy na imbestigasyon ng Senate blue ribbon committee ukol sa P8-bilyong halaga ng pandemic supply na binili ng pamahalaan mula sa maliit na kumpanya na Pharmally corporation na pag-aari ng isang dakot na Chinese individuals.

 

Si Gordon, tumatayong PRC chair, ay siya ring chairman ng Senate blue ribbon panel.

 

“Takot ka [ma-audit] kasi marami kang atraso over the years,” ayon kay Pangulong Duterte.

 

“You won’t have the time to cover up everything,” dagdag na pahayag nito.

 

Nauna rito, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang pondo ng pamahalaan na ibinayad sa PRC para sa pagsasagawa ng RT-PCR COVID-19 test ay paksa sa COA audit.

 

Inulit ni Pangulong Duterte ang naunang sinabi ni Sec. Roque na mahaharap ang senador sa isang pagtutuos.

 

“We need to know nasaan na ang pera , Senator Gordon. I am demanding an answer, and we will go over it with COA report which is a public document,” giit ng Pangulo. (Daris Jose)

Other News
  • KOBE, dumaan din sa matinding depresyon na ramdam pa hanggang ngayon

    INAMIN ni Kobe Paras sa post niya na dumaan din siya noon sa matinding depresyon na maituturing na lowest point ng kanyang buhay.     Isang screenshot ang ibinahagi niya na may caption ng, “When I moved back to the Philippines 4 years ago, I was at my lowest. I was depressed, suicidal. I just […]

  • Babae binastos ng manyak, nilamas ang dibdib sa bus

    Pinatunayan ng video na kuha ng isang netizen na kahit anong suot ng isang babae ay hindi ito ligtas sa mga manyak na naglipana sa mga public vehicle.   Sa tweet ni @tabanats, ipinakita nito ang panghihipo ng isang lalaking nakatabi niya sa bus habang binabagtas ang kalsada sa Pala-Pala, Dasmariñas, Cavite.   Papunta ng […]

  • MAG-INA ARESTADO NG NBI DAHIL SA ROBBERY EXTORTION

    ARESTADO ang dalawang indibidwal ng mga ahente ng NBI- National Capital Region (NBI-NCR) sa  entrapment operation dahil sa kasong  Robbery Extortion sa Sta. Mesa, Maynila.     Kinilala ang mga naaresto na si Jingky Joy Sena at kanyang ina na si Maricar Sena.     Ayon kay NBI Director Eric Distor, nagreklamo ang biktima sa  […]