• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bulacan, ipakikilala ang kauna-unahang Singkaban Festival Digital Kings at Queens

LUNGSOD NG MALOLOS – Ipakikilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office ang kauna-unahang mga kandidato para sa Singkaban Festival Digital King and Queen na maglalaban-laban para sa nasabing titulo sa Setyembre 11, 2021, 3:00 N.H. sa pamamagitan ng Google Meet.

 

 

Ayon kay Dr. Eliseo S. Dela Cruz, tampok sa birtwal na patimpalak sa taong ito ang 11 mga kalalakihan at 11 mga kababaihan mula sa iba’t ibang lungsod at munisipalidad sa lalawigan na may kani-kaniyang kakayanan, talento at talas ng pag-iisip.

 

 

May pagkakataon ding makilahok ang mga netizen sa pagpili ng karapat-dapat na Hari at Reyna sa pamamagitan ng pagsusumite o pagbibigay ng final question sa Facebook post ng Bulacan Tourism na itatanong sa mga kandidato.

 

 

Samantala, sinabi naman ni Gobernador Daniel R. Fernando na ang patimpalak na ito ay magbibigay din ng pagkakataon sa mga kandidato na patunayan ang kanilang kakayahan sa pagiging modelo para sa kabataang Bulakenyo.

 

 

“Mula sa pagiging isang kandidato sa patimpalak na ito, pagkakataon na rin ito upang maging magandang ehemplo sa ating mga kabataang Bulakenyo upang ipakita ang kanilang pagmamahal sa mayamang kasaysayan, kultura at turismo ng lalawigan bukod pa sa kanilang natatanging galing at kakayahan bilang kabataan,” anang gobernador.

 

 

Gaganapin ang koronasyon sa Setyembre 14, 2021, 3:00 N.H. sa Nicanor Abelardo Auditorium / Bulacan Toursim Facebook Page. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Trike driver binaril sa ulo ng rider, todas

    DEDBOL ang isang tricycle driver matapos barilin sa ulo ng isang hindi kilalang rider sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa ulo ang biktimang si alyas “Antonio”, nasa hustong gulang at residente ng Panghulo, Obando, Bulacan. Sa tinanggap na ulat ni Malabon police chief P/Col. Jay […]

  • ‘Oppenheimer’ Will Likely Continue Nolan’s $1 Billion Box Office Trend

    Oppenheimer is unlike the previous works of Christopher Nolan, and yet, it will likely continue his $1 billion box office trend, but that’s not necessarily bad.   Christopher Nolan has become one of the most respected filmmakers of his generation thanks to his unique visual and narrative style and the themes he addresses in his […]

  • Warriors nakalusot ng isang puntos vs Grizzlies, 117-116

    NAKALUSOT ang Golden state Warriors ng isang puntos laban sa Memphis Grizzlies, 117-116, para makuha din ang Game 1 sa hiwalay nilang game sa Western Conference NBA semifinals.     Naging susi sa panalo ng Warriors ang ginawa ni Klay Thompson na go-ahead 3-pointer sa kabila na may 36 seconds na lamang ang nalalabi sa […]