• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

UTOL NG KAGAWAD KULONG SA DROGA

BAGSAK sa kulungan ang kapatid ng isang barangay kagawad matapos makuhanan ng mahigit P40,000 halaga ng illegal na droga makaraang masita dahil walang suot na face mask sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni Caloocan City Police chief P/Col. Samuel Mina ang naarestong suspek na si Zandro Reyes, 48, construction worker ng Phase 2, Package 3, Barangay 176, Bagong Silang at kapatid ni Kagawad Sammy Reyes ng Brgy. 176.

 

 

Ani Col. Mina, dakong alas-7:40 ng gabi nang sitahin ang suspek ng nagpapatrolyang mga tauhan ng East Bagong Silang Police Sub-Station dahil walang suot na face mask habang naglalakad sa kahabaan ng Phase 2 Block 35.

 

 

Sa halip na sumunod, tinangkang tumakbo ng suspek para tumakas na naging dahilan upang habulin siya ng mga pulis hanggang sa makorner at maaresto.

 

 

Nang kapkapan, nakumpiska sa kanya ang isang medium size plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P41,000.00 ang halaga.

 

 

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • KYLIE, kailangang magtrabaho para ‘di aasa sa iba lalo na sa estranged husband na si ALJUR na may AJ na

    HINDI raw ikinapapagod ng mag-asawang Mikael Daez at Megan Young ang pagbiyahe from Manila to Subic and vice-versa dahil doon nila napagkasunduan na tumira pagkatapos nilang ikasal noong 2020.     Kahit na under renovation pa ang bahay nila sa Subic, enjoy daw sa long road trip ang dalawa at palitan silang magmaneho kapag pagod […]

  • PBBM, nakikita ang mababang power rates sa Mindanao sa paglulunsad ng WESM

    SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang paglulunsad ng  Wholesale Electricity Spot Market (WESM) sa Mindanao ang magsisilbing hudyat para sa  investments at economic activity sa rehiyon, partikular na sa manufacturing at iba pang  energy-intensive industries.     Ayon sa Pangulo,  ang WESM sa kalaunan ay makalilikha ng hanapbuhay at oportunidad para sa mga […]

  • Naunang anunsiyo hinggil sa pagbabago ng 21 to 60 years age restriction para makalabas ng bahay, kailangan pang linawin sa IATF – Malakanyang

    KAILANGAN pa munang linawin ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang tungkol sa pagbabago ng age restriction ng mga puwede nang makalabas ng bahay.   Itoy makaraang magkaroon ng anunsiyo na ibinaba na sa edad 15 at itinaas naman sa 65 ang pupwede nang makalabas ng bahay.   Paglilinaw ni Sec. Roque, example o halimbawa lang […]