Congressional Medal of Excellence iginawad kay Diaz
- Published on September 10, 2021
- by @peoplesbalita
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagbigay ang House of Representatives ng Congressional Medal of Excellence.
Ito ang iginawad ng Kongreso kay national weightlifter Hidilyn Diaz na tumapos sa 97-taong paghihintay ng Pilipinas para sa kauna-unahang Olympic Games gold medal nang manalo sa Tokyo Games.
Nang buhatin ni Diaz ang silver medal noong 2016 Rio de Janeiro Olympics ay iginawad ng Kongreso sa tubong Zamboanga City ang Congressional Medal of Distinction.
Ang nasabing medalya ang ibinigay naman kina Tokyo Olympics silver medal winners Nesthy Petecio, Carlo Paalam at bronze medalist Eumir Felix Marcial.
Ang Congressional Medal of Distinction ay ibinibigay sa mga Filipino achievers sa sports, business, medicine, science at iba pang larangan.
“You have shown the world what Filipinos can achieve, despite facing the most difficult of circumstances,” ani House Speaker Lord Allan Velasco sa apat na Olympic medalists.
Binigyan din sina Diaz, Petecio, Paalam at Marcial pati na ang kanilang mga coaches ng cash incentives na galing sa “pass the hat” drive ni Velasco.
Samantala, binigyan ng Kongreso si 1996 Atlanta Olympics silver medalist Mansueto ‘Onyok’ Velasco, Jr. ng cash incentives.
Sa kanyang pagbabalik sa bansa matapos ang Atlanta Games ay pinangakuan si Velasco ng ilang miyembro ng Kongreso ng cash incentives na P2.5 milyon na hindi niya nakolekta sa paglipas ng panahon.
-
Pagtataas ng PUV passenger capacity pinag-aaralan
Pinag-aaralan ng Department of Transportation (DOTr) ang gagawing malaking pagtataas ng porsiento para sa passenger capacity ng public utility vehicles (PUVs) dahil na rin sa pagkakaron ng maluwag na quarantine protocols na ngayon ay pinaiiral sa Metro Manila. Sa kasalukuyan, ang passenger capacity ng mga PUVs ay may 50 na porsiento pa […]
-
Janiik Sinner nagkampeon sa US Open
NAGKAMPEON si world number 1 tennis player Jannik Sinner sa US Open. Tinalo ng Italian tennis star si American tennis player Taylor Fritz sa score na 6-3, 6-4, 7-5 sa laro na ginanap sa Arthur Ashe Stadium. Ang world number 12 na si Fritz ay target na maging unang American na […]
-
Quick response ng gobyerno, nakahanda na
“All hands are on deck in government’s quick response as Typhoon Odette made landfall this afternoon.” Ito ang tiniyak ni acting Presidential Spokesperson Cabinet Secretary Karlo Nograles. “As of December 16, 2021,” alas-2 ng hapon nang itaas ng weather forecasters ang Tropical Cyclone Warning Signal # 4 sa Southern Leyte, southwestern portion ng […]