• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VILMA, marami pang dapat i-consider sa balitang pagtakbo bilang Senador

MATAGAL na namin itong gustong itanong kay Alden Richards pero wala lang kaming chance.  

 

 

Wala kasing event si Alden na pwede naming siyang puntahan para tanungin.

 

 

Hindi talaga namin ma-reconcile na Alden Richards, who has a very wholesome image, is endorsing an intoxicating drink.

 

 

Hindi lang naman siya ang wholesome actor na nag-eendorse ng alak pero dahil siguro we’ve always pictured Alden as someone wholesome, hindi talaga namin ma-gets ang idea na nag-e-endorse siya ng alak.

 

 

Tanggap naman namin na in his private moment ay pwedeng umiinom ng alak si Alden pero to see him as an endorser ng inuming nakalalasing ay parang ‘di naman bagay, kasi nga we see him as somebody wholesome.

 

 

Kapag kinuha kang endorser ng isang product, ibig sabihin naniniwala ang kompanya sa iyo na capable ka to help the company grow. Siyempre added income for Alden ang endorsement, kahit na anong product pa iyan.

 

 

Pero sana ang pag-e-endorse ng inuming nakalalasing ay nakatulong to boost Alden’s image, hindi nakasisira.

 

 

Pero baka kami lang naman ang hindi pabor sa pag-e-endorse ni Alden ng inuming nakalalasing. Baka naman tanggap ito ng kanyang mga fans.

 

 

Pero we’d rather see Alden endorsing products na wholesome and for the whole family. Tulad ng ice cream at gatas, mga food products na hindi nakakaapekto sa ating kalusugan.

 

 

***

 

 

PURO speculations lang naman ang mga lumalabas na chika na tatakbo for a higher position si Deputy Speaker and Lipa City Congresswoman Vilma Santos Recto.

 

 

May mga nagsasabi na tatakbo raw na Senador si Ate Vi. May mga political parties na nagsabi na balak nilang kunin si Ate Vi para tumakbong senador sa kanilang ticket.

 

 

Maganda naman kasi ang track record ng aktres bilang politician. Wala siyang issue ng corruption at maayos ang kanyang panunungkulan bilang mayor, governor at congresswoman.

 

 

Kaya mabango ang pangalan niya. Kaya hindi naman nakapagtataka kung may mga political parties na gusto siyang ligawan para isali sa senatorial line up nila.

 

 

Wala pa naman kumpirmasyon na nanggaling mula sa kampo ni Cong. Vi pero tiyak na ikakatuwa ng kanyang mga fans at constituents if ever matuloy na tumakbong senador ang Star for All Seasons.

 

 

Dahil friend naman namin si Ate Vi sa Facebook kaya nagpadala kami ng message sa kanya and asked about her plans for next year. We were hoping na sumagot siya at hindi naman kami nabigo.

 

 

Ito ang sagot ni Ate Vi sa amin, “Hi Ricky! Nothing is final. May run for Senate or retirement from politics. Regarding the partido, I am under NP. Marami pang dapat i-consider. Iba na panahon ng eleksyon ngayon plus kampanya na nakataya ang health sa covid !!! Praying for the right decision.”

 

 

Nag-remind din si Ate Vi na manatili tayong safe amidst the pandemic.

(RICKY CALDERON)

Other News
  • Ads October 12, 2022

  • Allysa Valdez bumandera sa national team na sasabak sa SEA Games

    BUMANDERA ang pangalan ni Alyssa Valdez sa volleyball player na sasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.     Ayon sa Philippine National Volleyball Federation (PNVF), makakasama niya ang isa pang volleyball star na si Jia Morado, Jaja Santiago at Kalei Mau.     Sinabi ni PNVF president Ramon “Tats” Suzara na mayroong […]

  • Mas makatutulong lalo na sa mga migranteng manggagawa: ATTY. HONEY QUIÑO, na-inspire kay ARNELL kaya tinanggap ang posisyon sa OWWA

    KILALA na si Atty. Mary Melanie “Honey” Quiño sa entertainment industry bilang isang movie producer.     Pag-aari niya ang AQ Prime at A & Q Production Films na nakapag-produce na ng mga pelikulang dinirek ni Joel Lamangan, ang “Nelia” at “Peyri Teyl”, ang latest film ni Superstar at National Artist Nora Aunor ang “Ligalig”, […]