• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Giit na walang nangyaring plundemic sa govt funds: Sec. Roque, niresbakan si Senador Pacquiao

KAAGAD na binutata ng Malakanyang ang tila pinauuso ni Senador Emmanuel “Manny” Pacquiao na salitang “plundemic” o plunder sa public funds habang patuloy na nakikipaglaban ang pamahalaan sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.

 

Giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque, walang nangyaring pandarambong sa public funds sa panahon ng covid-19 pandemic.

 

Sinabi kasi ni Senador Emmanuel “Manny” Pacquiao, sa pagpapatuloy ng Senate Blue Ribbon Committee hearing na ang paggasta ng pamahalaan sa Covid-19 funds, ay isang uri ng “plundemic,” o plunder sa panahon ng pandemiya.

 

Tila ipinamukha ni Sec. Roque kay Pacquiao ang ipinalabas na paglilinaw ng Commission on Audit (COA) ukol sa natuklasan nitong “deficiencies” sa pamamahala ng Department of Health (DOH) sa pandemic funds ay hindi kapani-paniwalang may bahid ng korapsyon.

 

“Well, nagkaroon na po ng paglilinaw dito ang COA. Sa kaniyang report po sa DOH, hindi po niya ever sinabi na ever nagkaroon ng pandarambong. So, wala pong ‘plundemic’ na sinasabi ,” anito.

 

Idinaagdag pa ni Sec. Roque na ang COA’s 2020 audit report sa DOH ay nagbibigay diin lamang sa kabiguan ng departamento na hawakan P67.32 bilyong piso na Covid-19 response funds.

 

“Ang sinasabi nga po ng COA, nais nilang magkaroon ng linaw kung bakit ‘yung ilang mahahalaga pong salapi na ibinigay sa DOH ay hindi nga po ginastos ,” aniya pa rin.

 

Kahapon, araw ng LUnes ay sinabi ni Pacquiao sa isang panayam na “mismanaged” ang Covid-19 response efforts ng gobyerno bunsod na rin ng patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus.

 

Naniniwala si Pacquiao, na ang Covid-19 pandemic ay hindi pa nareresolba dahil na rin sa patuloy na paglala ng situwasyon sa bansa.

 

Ang buwelta naman ni Sec. Roque, hindi nakakagulat ang pahayag ng senador lalo pa’t malapit na ang halalan sa bansa.

 

“Hindi po ako nagtataka na iyan ang kaniyang pakiramdam dahil panahon na po ng politika,” anito.

 

Nag-ugat ang hind pagkakaunawaan sa pagitan nina Pacquiao at Pangulong Duterte nang sabihin ng una ang kanyang alegasyon na may korapsyon laban sa ilang opisyal ng pamahalaan.

 

Nagpahayag din si Pacquiao ng hangarin nitong tumakbo sa pagka-pangulo sa Eleksyon 2022.

 

Tila tinuruan naman ni Sec. Roque si Pacquiao, nang sabihin niya rito na ang presensiya ng maraming nakahahawang Delta coronavirus variant ang naging dahilan kung bakit sumirit ang Covid-19 infections.

 

“Ang totoo po niyan, ang problema, si Delta variant because it is five to eight times more infectious. So talagang dadami po ang mga kaso natin  diing pahayag ni Sec. Roque. (Daris Jose)

Other News
  • Tiyak na miss na miss na nila ang isa’t-isa: RURU, super sweet sa pagpapadala ng red roses kay BIANCA kahit nasa South Korea

    TIYAK na miss na miss na nina Bianca Umali at Ruru Madrid ang isa’t isa, dahil matagal-tagal na ring nasa South Korea si Ruru na nagti-taping ng “Running Man PH.”     Kaya naman parehong nag-“i miss you” ang dalawa sa kani-kanilang Instagram post, matapos padalhan ni Ruru ng isang bouquet of Ecuadorian red roses […]

  • DSWP and Organon Philippines Continue to Empower Adolescent Girls through Y.G.A.L.A launch

      The Democratic Socialist Women of the Philippines (DSWP), in partnership with Organon Philippines’ Her Promise Program, proudly announces the successful launch of the adolescent girls’ organization Y.G.A.L.A (Youth and Girls Advancing Liberty and Awareness). This event marks a significant milestone in the ongoing “Let’s Talk: Normalizing SRHR (Sexual and Reproductive Health and Rights) conversations to empower […]

  • Mahigit 100,000 katao sa US kasalukuyang na-admit sa hospital dahil sa Omicron variant

    Pinalawak pa ng US Food and Drug Administration ang otorisasyon sa paggamit ng emergency para sa mga nagpapalakas ng bakuna sa COVID-19 ng Pfizer sa mga batang edad 12 hanggang 15-anyos.     Sinabi ni Dr. Peter Hotez, dean ng National School of Tropical Medicine sa Baylor College of Medicine na ang mga bata ang […]