• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Simula Oktubre 1: Lanao del Sur, isinailalim sa MECQ; Metro Manila, mananatili sa GCQ

INILAGAY ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Lanao del Sur kabilang na ang Marawi City sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) simula Oktubre 1 hanggang Oktubren 31, 2020.

 

Habang ang Iloilo City ay inilagay naman sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) simula rin sa Oktubre 1.

 

Matatandaang, inilagay ng mga miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang Iloilo City sa ilalim ng MECQ, at mananatili ito hanggang Setyembre 30, 2020.

 

Sa kabilang dako, mananatili naman ang Metro Manila sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) classification.

 

Ang iba pang lugar sa ilalim ng GCQ ay Batangas para sa Luzon; Tacloban City at Bacolod City para sa Visayas; at Iligan City para sa Mindanao.

 

Ang natitirang bahagi naman ng bansa ay isinailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).

 

Ang bagong risk-level classifications ay epektibo simula sa araw ng Huwebes, Oktubre 1 hanggang Oktubre 31, 2020. (Daris Jose)

Other News
  • Ads June 4, 2022

  • Kelot kulong sa shabu at pandadakma ng puwit ng dalagita

    KALABOSO ang 27-anyos na lalaki nang makuhanan ng shabu at panggigilang dakmain ang puwitan ng 16-anyos na dalagitang estudyante sa Valenzuela City.     Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 11313 o ang Anti-Bastos Law at paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act ang suspek na si Jethro Dionson, ng16 Lemon St. Brgy. […]

  • Panukalang pigilan ang paglobo ng teenage pregnancies, pinuri ng Popcom

    PINURI ng Commission on Population and Development (PopCom) ang sponsorship speech ni Senator Risa Hontiveros sa pagpigil sa pagbubuntis ng mga kabataan.     Ayon sa komisyon, lubos nilang sinusuportahan ang panawagan ng mga mambabatas na ipatupad ang mga iminungkahing hakbang ukol sa teenage pregnancies.     Ito’y tinawag ni Hontiveros bilang isang progresibong hakbang […]