• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

JOHN LLOYD, tuloy pa rin ang sitcom sa GMA-7 at posibleng magtambal rin sila ni BEA

MATAPOS mabalitang nakipag-usap na si John Lloyd Cruz kay GMA Executive Ms. Annette Gozon-Valdes, pinag-usapan na ng mga netizens kung lilipat na si Lloydie sa GMA Network. 

 

 

Nabalita rin na ipagpu-produce siya ni Willie Revillame ng isang sitcom sa GMA na ididirek ni Bobot Mortiz.  Pero nawala na ang balitang iyon at hindi na raw matutuloy.

 

 

Sumunod na nabalitang gagawin muna ni Lloydie ang isang movie na pagtatambalan nila ng paborito niyang leading lady, si Bea Alonzo, mas uuanahin daw ito ni Bea kaysa sa movie na gagawin naman niya with Alden Richards sa Viva Films, GMA Pictures at APT Entertainment, dahil Kapuso na siya.

 

 

Sumunod na nabalitang nagkakaroon daw ng problema sa talent fee ni Lloydie.

 

 

But now, balita na tuloy na raw talaga ang sitcom na gagawin ni Lloydie at pinag-aaralan na lamang ang talent fee niya.

 

 

Ang tanong din, kung tuloy pa bang si Andrea Torres ang magiging leading lady ni Lloydie?

 

 

***

 

 

BACK to work na muli si Asia’s Nightingale Lani Misalucha, as one of the Panel Judges ng original GMA musical competition na The Clash na nasa fourth season na.

 

 

Matatandaan na hindi natapos ni Lani ang work niya sa The Clash 3 at pinalitan muna siya pansamantala ni Concert Queen Pops Fernandez. 

 

 

Nagkaroon kasi siya at ang husband niya ng tinatawag na bacterial meningitis, kaya na-confine sila ng ilang araw sa ICU ng isang ospital. Nawalan ng balance si Lani at nahirapang makarinig ang isang ear niya.

 

 

Kaya nang mag-guest si Lani sa GMA morning show na Unang Hirit at kinumusta siya ng UH Barkada, sagot ni Lani: “Mabuti naman ang kalagayan ko, pati na rin ang husband ko. 

 

 

Okay na kami, and thankful, pero siyempre, tulad ng kasabihan na kapag binagyo ka, medyo may iniwang damage yung bagyo. Parang ganon ang nangyari sa amin.”

 

 

Ngayong maayos na ang kalagayan ni Lani, regular na rin siyang napapanood every Sunday sa noontime show na All-Out Sundays at magsisimula na silang mag-taping ng mga episodes ng The Clash 4 with Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista at Comedy Queen Aiai delas Alas.

 

 

Mga hosts pa rin sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz at Journey hosts naman sina Ken Chan at Rita Daniela.

 

 

      ***

 

 

HAPPY si Sofia Pablo na among the Prima Donnas stars na kasama niya sina Jillian Ward at Althea Ablan, siya ang unang mapapanood bago ang pagbabalik ng book two ng kanilang GMA Afternoon Prime.

 

 

Gaganap si Sofia na sirena sa second offering ng Regal Studio Presents: Raya Sirena.  Na-excite si Sofia nang i-offer sa kanya ang role ng isang sirena sa biggest telemovie collaboration of the year ng GMA Network at Regal Entertainment. First time niya kasing gaganap bilang isang mermaid.

 

 

Makatatambal ni Sofia ang co-vlogger at best friend niyang si Allen Ansay, ang first runner-up ng StarStruck 7.

 

 

Directed by Easy Ferrer, mapapanood ang weekly anthology this Sunday, September 19, 8:30PM sa GMA-7, after ng Amazing Earth.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Reyes, Amit sabak Hanoi Southeast Asian Games

    PANGUNGUNAHAN ni legend Efren ‘Bata’ Reyes  ang walo-katao pambansang koponan sa billiard and snooker na makikiagaw sa 10 gold medal para sa dalawang naturang cue sports ng 31st Southeast Asian Games 2022 sa Mayo 12-23 sa Hanoi, Vietnam.     Bibida si national playing-coach Reyes at Carlo Biado sa men’s squad, habang si Rubilen Amit […]

  • Duterte, Bato ipinatatawag ng House sa drug war EJKs

    NAGPADALA na ng imbitasyon ang House Quad Committee kina dating Pangulong Rodrigo Duterte, Sens. Bong Go at Bato dela Rosa sa susunod na pagdinig kaugnay ng extra judicial killing at reward system sa drug war ng nakaraang administrasyon.   “Nagpadala na kami ng imbitasyon kay ex President Duterte, kay Senador Go at Senador Bato,” ayon […]

  • Bagong Omicron subvariant ng COVID-19 posibleng magdulot ng bagong surge – OCTA

    NAGBABALA ang OCTA Research Group hinggil sa tatlong bagong subvariants ng Omicron na maaaring magresulta ng panibagong surge sa mga kaso ng COVID-19 sakaling madetect sa Pilipinas.     Ayon kay biologist Fr. Nicanor Austriaco, mas nakakahawa ang BA.4, BA.5 at BA.2.12.1 kumpara sa BA.2 subvariant na kasalukuyang dominant ngayon sa ating bansa at sa […]