• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ANDREA, excited na bagong project kahit umeere pa ang ‘Legal Wives’; pagtatambal nila ni JOHN LLOYD, malabo pa

LEGAL na ang pagsasama ng mga Kapuso stars na sina Mark Herras at Nicole Donesa ang kanilang pagsasama.

 

 

Nagpakasal na nga ang dalawa noong September 8 sa Quezon City Hall.

 

 

Kasabay ng pag-announce nila sa kanilang mga social media accounts ay ang pag-upload ng kanilang civil wedding video sa kanilang YouTube vlog.

 

 

Si Quezon City Mayor Joy Belmonte ang nag-officiate ng wedding nila at ayon kay Nicole, biglaan at mabilis lang daw nangyari ang lahat. Kaya ramdam nila na gusto raw talaga ni Mama Mary na makasal na sila.

 

 

Dahil na rin sa pandemic kaya civil wedding muna at halos lima lang daw silang present, kabilang na rito ang tumayong witness at principal sponsors nila.  Tuloy pa rin daw ang plano nilang church wedding at mas malaki.

 

 

Nagkataon din na nasa States ang mga magulang ni Nicole kaya siyempre, gusto rin nila na present ang mga ito during their church wedding.

 

 

Si Nicole naman, ang caption niya, “We tied the knot on Mama Mary’s birthday.”

 

 

American citizen si Nicole, kaya kung sakali at maisipan nilang manirahan sa America, pwedeng-pwede.

 

 

***

 

 

BUKOD sa mini-series na ginawa ni Andrea Torres kunsaan, kapareha niya si Kylie Padilla, ang BetCin na ipalalabas sa WeTV at iFlix, excited na raw ito dahil may bago siyang project na gagawin sa GMA-7.

 

 

Kasalukuyan pa rin umeere ang primetime series niya sa GMA-7 na Legal Wives at kahit excited na sa bagong project, hindi pa rin daw niya ito mairi-reveal.

 

 

     “Ako kasi, hangga’t hindi pa talaga nag-start, ayoko munang magsalita. Pero sobra kong excited kasi, first time ko lang siya magagawa.    “Sabi ko nga, itong year na ‘to, sobrang daming breakthrough na nangyari, ‘Yung BetCin, Legal Wives and then itong new project na gagawin ko.”

 

 

Hindi naman masagot ni Andrea kung totoo nga bang shelved o hindi na matutuloy ang sitcom na pagsasamahan daw nila ni John Lloyd Cruz.

 

 

      “Wala talaga ‘kong alam, e, kasi, wala naman din kumakausap sa akin.  So, hindi ko alam kung ano na ‘yung nangyari.”

 

 

Hindi rin naman daw siya nakaramdam ng lungkot or anything kung hindi man ito matutuloy dahil katwiran niya, kahit noong nababalita at marami na ang nagtatanong sa kanya, hangga’t walang formality na kinausap na siya, hindi raw niya ito inisip na kanya o nag-claim na siya.

 

 

     “Pero siyempre, natuwa naman po ako noong ayoko ‘yung parang kinokonsider na makakapareha niya. Kasi ever since naman, sinasabi ko talaga na isa si John Lloyd Cruz sa dream ko na maka-trabaho.”

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Piston nagbanta muling maglulunsad ng welga laban sa PUVMP

    SA GITNA ng darating na crackdown sa mga traditional jeepneys, ang mga drivers at operators ay nagbantang maglulungsad na naman ng isang welgang bayan sa Metro Manila habang padating ang deadline sa April 30 upang sila ay sumunod sa consolidation sa ilalim ng public utility vehicle modernization program (PUVMP) ng pamahalaan.       Sinabi […]

  • Ibabahagi sa mga fans ang kanyang 35 taong paglalakbay: ICE, sobrang excited sa first major solo concert after ten years

    SA nakalipas na 35 taon ay nasubaybayan ng buong bansa ang buhay ni Aiza Seguerra na kilala ngayong Ice Seguerra na isang icon ng pelikula at telebisyon, child star wonder, certified OPM hitmaker, at ngayon ay live events at TV director na rin. Ang kanyang paglalakbay ang nagdala sa kanya sa pagdiskubre hindi lamang ng […]

  • Ads May 23, 2024