• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, walang nakikitang timeline sa pagpapaluwag ng quarantine restrictions sa NCR

SINABI ng Malakanyang na hindi pa nito alam kung may timeline ang pagpapaluwag ng quarantine restrictions sa Kalakhang Maynila.

 

“Hindi ko alam kung kailan makakamit ‘yan (Alert Level 1). Pero ang importante sa Metro Manila, ay mahigit 60% na ang ating pagbabakuna,”ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

 

Ang Kalakhang Maynila kasi ang epicenter ng COVID-19 pandemic sa bansa.

 

Ang pahayag na ito ni Sec. Roque ay kasabay nang pagsisimula ng unang araw ng implementasyon ng Alert Level 4 sa Metro Manila, isang protocol na bahagyang pinapayagan ang indoor at outdoor dining at maging ang personal care services na mag- operate sa 10% hanggang 30% capacity.”

 

Nakataas kasi ang Alert Level 4 sa Metro Manila hanggan Setyembre 30.

 

“The Alert Level 1 protocol, on the other hand, allows all establishments, persons, or activities, are to operate, work, or be undertaken at full on-site or venue/seating capacity provided it follows minimum health standards such as wearing of face mask and face shield, observance of social distancing and frequent washing of hands,” ayon kay Sec. Roque.

 

Ani Sec. Roque, ang Alert Level 4 ay kailangan na gumana dahil ito ang targeted approach.

 

“Titingnan natin kung lalong mas mapapababa at mapapahina ang pagkalat ng COVID-19,” ani Sec. Roque.

 

“Ang siyensya diyan ay dahil alam naman natin kung nasan ang mga kuta ng COVID-19. Kung yan ang isinara natin, baka naman talaga ma-contain yung pagkalat ng virus,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • VaxCertPH puwedeng magamit sa 39 bansa

    KINIKILALA ng 39 bansa ang vaccination certificate ng Pilipinas, ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT).     Ipinaliwanag ni DICT Acting Secretary Emmanuel Rey Caintic na naglabas ang gobyerno ng bagong bersiyon ng vaccination certificate o VaxCertPH dahil dinagdagan ang security features at isinama na rin ang data tungkol sa booster shots. […]

  • Pinas, South Korea lumagda sa free trade deal

    ISANG free trade agreement (FTA)  ang nilagdaan sa pagitan ng Pilipinas at South Korea sa sidelines ASEAN Summit sa Indonesia.     Inaasahan na ang nasabing kasunduan ay makapagpapalakas sa investment relations at makalilikha ng trabaho sa Pilipinas.     Sa kanyang report sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit, sinabi ni Pangulong Ferdinand […]

  • 12,000 trabaho, bakante ngayon sa industriya ng turismo – Department of Tourism

    PAPALO  raw sa 12,000 trabaho ang bakante ngayong sa industriya ng turismo.     Ayon kay Department of Tourism Cristina Frasco, kabilang sa hiring ang mga posisyon na sumusunod:   -Administrative and purchasing -Food and beverage -House keeping -Sales marketing -Front office -Finance at bpo     Sinabi ni Frasco, ito ay sa gitna ng […]