• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinoy billiard player Carlo Biado, kampeyon sa 2021 US Open Pool Championships

Matapos inalat sa mga unang magkakasunod na racks, hindi pa rin sumuko ang Pinoy billiard player na si Carlo Biado para magkampeyon sa 2021 US Open Pool Championships.

 

 

Tinalo ni Biado ang Singaporean professional pool player na si Aloysius Yapp sa score na 13-8.

 

 

Nakuha pa ni Biado ang 3-1 early lead pero nabawi ito ni Yapp at naiposte ang 8-3 lead.

 

 

Nakabawi naman si Biado sa pitong straight racks at maitala ang 10-8.

 

 

Matapos nito ay tuloy-tuloy na ang pamamayagpag ni Biado at naibaon pa si Yapp sa nine straight racks at naitala ang 12-8 lead.

 

 

Hindi na bumitaw pa ang 37-anyos na pool player na tubong La Union sa ika-13 rack at tuluyan nang nasungkit ang titulo.

 

 

Napabilib nang husto ni Biado ang mga audience matapos ipanalo ang 10 straight racks.

 

 

Kung maalala huling nanalo ang isang Pinoy sa US Open Pool Championship noong 2005 sa pamamagitan ni Filipino-Canadian Alex Pagulayan.

 

 

Pero bago ito, taong 1994 nang makuha ng billiard legend na si Efren “Bata” Reyes kampeyonato sa torneyo.

Other News
  • Binata pinagbabaril sa Malabon, dedbol

    TODAS ang isang 20-anyos na binata matapos paulanan ng bala ng hindi kilalang suspek sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.     Dead-on-arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala sa iba’t-ibang parte ng katawan ang biktimang si Jamaicoh Loren Solis alyas “Maicoh”, ng 654 Gabriel St., Gagalangin Tondo, Manila.     […]

  • 2 binata timbog sa marijuana

    KALABOSO ang dalawang binata matapos makuhanan ng marijuana makaraang masita ng mga pulis na nagpapatupad ng city ordinance sa Lungsod ng Navotas.   Kinilala ni Navotas Police Sub-Station 3 Chief P/Capt. Cyril Lawrence Tubongbanua ang naarestong mga suspek na si Rodelson Roxas, 21 ng Longos, Malabon at Raymart Senolos, 21 ng Dagat-Dagata, Navotas.   Sa […]

  • P28 bilyon gagastusin sa national election, plebisito sa Cha-cha

    AABOT sa P28 bilyon ang gagastahin ng pamahalaan kung isasagawa ng magkahiwalay ang pambansang halalan at plebisito sa Charter change (Cha-cha).     Sinabi ni NEDA Undersecretary for Legislative Affairs Krystal Lyn Tan Uy sa pagharap nito  sa pagdinig ng House Committee on Constitutional Amendments and Revision of Laws kaugnay sa panukalang amyendahan ang 1987 […]