• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

12 provincial bus routes binuksan

BINUKSAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 12 provincial bus routes makaraan ang anim na buwan na nakalipas simula ng magkaron ng COVID-19 outbreak upang muling makakapasok ng Metro Manila ang mga provincial buses.

 

Simula September 30, ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay magbubukas ng 12 provincial bus routes sa pagitan ng Metro Manila at Central Luzon kasama ang Calabarzon.

 

Sinabi ng LTFRB na may 286 na buses ang papayagan na mag resume ng partial operations sa ilalim ng 12 modified routes.

 

Ang number ng mga units ay 30 percent lamang ng kabuohang 1,445 units na dati pa na pinayagan magkaron ng operasyon bago pa ang pandemic.

 

Apat na probinsya lamang ang pumayag na magkaron ng resumption ng operasyon ng public utility buses mula sa National Capital Region (NCR) at ito ay ang Batangas, Cavite, Laguna at Pampanga.

 

Lahat ng mga buses ay papayagan lamang na magsakay at magbaba ng pasahero sa designated terminals tulad ng Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITx) at Araneta Center sa Cubao, Quezon City.

 

Ang mga pasahero ay kinakailangan na may dalang documentary requirements bago sila payagan na sumakay sa mga public buses. Kasama sa documentary requirements ay ang travel authority mula sa police, valid identification card, written consent na payag sila na sumailalim sa COVID 19 testing kung hihingin ng LGU at iba pa na papeles na kailangan ng mga authorities.

 

Lahat ng pasahero, kasama ang driver at conductor ay kailangan na sumunod sa strict health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, face shield, at one-meter physical distancing. Bawal ang kumain at mag-inuman kahit na ang mag-usap sa loob ng bus.

 

Sa bagong protocols, sinasabi rin na ang mga pasahero ay kailangan kumuha ng tickets dalawang araw bago ang kanilang trip maliban kung emergency.

 

Lahat din ng PUBs ay kailangan na sumailalim sa mahigpit na sanitation services bago at pagkatapos ng bawat trip kung saan magkakaron ng regular monitoring ang LTFRB. Ang pamasahe ay ganon pa rin bago pa ang pre-pandemic.

 

“Passengers from the south areas can now travel these bus routes via PITx: Batangas City, Lemery, Lipa and Nasugbu in Batangas; Indang, Mendez, Tagaytay City at Ternate in Cavite; and Calamba City, Siniloan and Sta. Cruz in Laguna,” wika ng LTFRB.

 

Para naman sa mga pasahero mula San Fernando, Pampanga, maaari silang pumunta sa Araneta Center kung saan naroon ang mga provincial buses. (LASACMAR)

Other News
  • Sa ‘di pa malamang kadahilanan: Veteran actor na si RONALDO, pumanaw na sa edad na 77

    NAKALULUNGKOT na balita ang sumalubong sa publiko ilang araw bago ang Pasko… namayapa na ang batikan at multi-awarded actor na si Ronaldo Valdez   Ayon sa report, mismong ang Quezon City Police District ang nagkumpirma sa naging pagpanaw ng aktor sa hindi pa malamang kadahilanan.   Habang tinitipa namin ang kolum na ito ay wala pa […]

  • Makikita sa kislap ng mga mata: RITA, masayang ipinakilala sa socmed si Baby UNO

    MAKIKITA ang kislap sa mga mata ni Rita Daniela nang ipakilala na niya sa social media ang kanyang first born na si Baby Uno.     Noong December 2022 sinilang ni Rita si Baby Uno pero ngayon lang niya pinakita ang mukha nito.     Caption pa niya: “sending good vibes, love and hope to […]

  • HEART, inanunsyo ang magiging art collab nila ng BRANDON BOYD

    INANUNSYO ni Heart Evangelista ang magiging art collab niya with Incubus frontman, Brandon Boyd.     Sa kanyang tweet, pinakita ni Heart ang screenshot ng video call niya with Brandon Boyd, at ng art manager nitong sina Jen DiSisto at Pietro.     Caption ni Heart: “Morning meetings with Jen, pietro and #brandonboyed for our little art project SOON.” […]